^

PSN Showbiz

Female personality na sobra ang kaartehan, naging maingat sa datung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagdating sa pag-iingat at pagpapahalaga sa kanyang kinikita ay isang magandang ehemplo ang isang kilalang female personality. Magaling siyang humawak ng pera.

Hindi siya nagtatapon ng kanyang pinaghihirapan, nasa tama ang kanyang paggastos, pero hindi niya naman pinagdadamutan ang kanyang sariling pamilya.

Kuwento ng isang source, “Hindi na magugutom ang babaeng ‘yun. Kapag nagsawa na siya sa pag-aartista, sigurado na ang future niya. Masinop siya sa pera, nasa bank ang salapi niya, may malaki na siyang naiipon.

“’Yung condo unit na tinitirhan niya, e, nabili na niya, fully paid na, wala na siyang iniintinding monthly rental. Pati ang dalawang sasakyan niya, e, bayad na rin, wala na siyang hinuhulugan buwan-buwan,” unang sultada ng aming impormante.

Mahilig bumiyaheng mag-isa ang female personality. Ma­ging sa kanyang pagbiyahe ay magaling siya sa pera, alam niya kung saan siya maglalabas ng budget, alam din niya kung paano siya makatitipid.

Patuloy ng aming source, “Meron na siyang suking travel agency. Basta maluwag ang schedule niya, e, ginagamit niya ang panahon sa pagbiyahe sa iba-ibang bansa nang mag-isa lang.

“Kilala na siya ng staff ng agency kapag bibiyahe siya. Ang una niyang tanong, ilang oras ang biyahe mula dito hanggang sa bansang target niya. Kapag dalawang oras lang o tatlo ang pupuntahan niya, ang kinukuha niyang ticket, e, economy lang.

“Pero kapag lampas ten hours na ang biyahe, business class na ang pikitmata niyang bibilhing ticket. Napakalaki ng difference sa economy ng presyo ng business class, pero kumportable naman ang pagbiyahe niya, hindi siya nahihirapan.

“So, tama lang naman ang ganu’n, di ba? Maigsi lang ang trip, di mag-economy na lang siya, kesehodang may nagtatanong sa kanya kung bakit wala siya sa business class!” isa pang kuwento ng aming source.

Wala siyang kasambahay. May naglilinis lang sa condo unit niya nang minsan sa isang linggo. Wala rin siyang driver. Alalay lang ang meron siya.

Sabi pa ng aming source, “Paano naman hindi makaiipon ang babaeng ‘yun, e, ang galing-galing niya sa paghawak ng datung niya? Malaki ang nagagastos niya sa pagbiyahe-biyahe, pero premyo niya naman ‘yun sa sarili niya!

“At very happy siya ngayon dahil may karelasyon siya, may nagpapasaya sa kanya, may inspirasyon siya! Afam ang boyfriend ng lola n’yo, di ba naman?

“Masipag siyang magtrabaho, professional, may mga tao lang na naiimbiyerna kung minsan sa kanya dahil sa sobra niyang kaartehan!

“Marami siyang ayaw habang nagwo-work siya. Bawal ang maingay, bawal ang syunga, bawal ang late, bawal mabuhay!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angel, nalagay sa mahirap na sitwasyon

Masyado nang maraming nakikisawsaw sa nakalulungkot na kaganapan sa dapat sana’y masayang selebrasyon ng kaarawan ni Angel Locsin. Mahabang-mahaba na ang itinatakbo ng kuwento.

May mga nagtatanggol sa aktres, meron ding sumisisi sa kanya, ‘yun daw ang napala ni Angel sa kagustuhan niyang saktan ang gobyerno sa pagpapabibo niya. Napakaganda ng kanyang misyon, ang makatulong sa mga nangangailangan, pero may nabuwis na buhay sa kanyang pagmamagandang-loob.

Masakit ang pamba-bash na ito na sobrang personal na, “Ayan, ano ang napala mo? Gusto mo kasing magpalapad ng papel na kasinglapad ng katawan mo!”

At may isa pang personal din ang bira kay Angel, “E, 300 lang naman pala ang mabibigyan mo sa community pantry kuning-kuning mo. Bakit ka pa nanawagan sa FB page mo na open sa lahat ang pamimigay mo?

“Pa-sorry-sorry ka pa ngayon, e, wala ka naman palang coordination sa community na pi­nagdausan mo ng pagpapabida mo!” sabi ng isang basher ni Angel.

Sa totoo lang ay hindi naman ginusto ni Angel ang nangya­ring pagkakagulo, lalo na ang pagkamatay ng balut vendor na si manong, huwag naman sana siyang tawaging kriminal.

Wala siyang kasalanan, pero meron siyang mga naging pagkukulang, mga kakapusan na ipinanghingi na niya ng tawad at handa niya namang harapin at pagbayaran sa batas kung kinakailangan.

Hindi makahihinga si Angel sa mga ibinabatong masasakit na salita laban sa kanya ng mga nagpapakilalang tagasuporta ni PRRD, ang mga DDS, na kung ilarawan ng kaibigan naming propesor ay parang virus na hindi natin nakikita pero nand’yan at handang manakit.

Mahirap ang sitwasyon ni Angel Locsin. Kumaliwa siya at kumanan ay hagip pa rin siya ng mga hindi nakauunawa, kahit pa wala naman siyang tanging hangad kundi ang makatulong, ang makapagbigay ng pansamantalang biyaya sa mga sikmurang kumakalam ngayong pandemya.

UBOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with