^

PSN Showbiz

Aktor na si Kier Legaspi nagtayo rin ng 'community pantry' sa Marikina

James Relativo - Philstar.com
Aktor na si Kier Legaspi nagtayo rin ng 'community pantry' sa Marikina
Makikita kung paano pinananatili ng aktor na si Kier Legaspi ang physical distancing habang namamahagi ng libreng pagkain sa kanilang "community pantry," ika-24 ng Abril, 2021
Mula sa Instagram account ni Kier Legaspi

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang Bayanihan ng mga Pinoy ngayon sa gitna ng kagutumang dulot ng mga lockdowns at kawalan ng ayuda — dahilan para gumawa na rin ng paraan ang ilang artista gaya ni Kier Legaspi para ibsan ang gutom ng mga kababayan.

Nagsimula bilang inisyatiba ng Maginhawa community pantry sa Quezon City, ginagaya na ito nang marami sa bansa para magbigay ng libreng pagkain habang may pandemya.

Sa mga litratong ito noong Sabado, kita kung paano inorganisa nina Kier at kanyang misis ang aktibidad sa Lungsod ng Marikina para na rin makatulong sa komunidad at mga magsasaka.

"Actually ginagawa na namin dati pa na kapag... hinihingi ng panahon, tumutulong po kami sa mga kababayan namin," wika ni Kier sa panayam ng GMA, Linggo.

"This time, nagkaroon po kami ng community pantry dahil gusto namin tulungan naman 'yung mga farmers natin pati 'yung mga industriya na tinamaan ng pandemya."

Nasunod naman daw ang tamang health protocols gaya ng physical distancing habang namamahagi ng pagkain at supplies ang aktor.

Biyernes lang nang mamatay ang isang 67-anyos na lalaki sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan, bagay na "habambuhay" daw niyang ihihingi ng dispensa. Nagkagulo kasi sa nasabing pagtitipon-tipon matapos dagsain nang maraming tao.

"Doon po sa mga kababayan nating may kakayanan sa buhay, sana magtulong-tulong tayong lahat dahil kapag ginawa natin 'yan, I am so sure na walang Pilipinong mugutom," dagdag ng aktor.

Hindi na gaano aktibo sa showbiz ang artista. Kilalang Youtuber ang kanyang anak na si Dani Barretto, na kanyang supling kay Marjorie Barretto.

NTF-ELCAC hinay-hinay na sa red-tagging ng 'pantries'

Kanina lang nang tiyakin ni presidential spokesperson Harry Roque na mag-iingat na ngayon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) pagdating sa kanilang pagsasalita laban sa oommunity pantries, lalo na't nasita na ang ahensya sa pag-uugnay sa efforts sa Communist Party of the Philippines at New People's Army (CPP-NPA).

"Nakausap ko na rin po si [National Security Adviser Hermogenes] Esperon, at sinabi naman niya sa akin na pinagsabihan na niya pareho sina [NTF-ELCAC spokespersons Gen. Antonio Parlade Jr. at Lorraine Marie Badoy] na maging mas mahinahon at maging mas maingat sa mga binibitawang salita," ani Roque kanina.

"Wine-welcome natin ang bayanihan natin at community pantries."

Kanina lang din nang maghain ng resolusyon ni QC Councilor Winnie Castelo  para kilalanin ang unang organizer ng pantries na si Ana Patricia Non dahil sa pagsisilbing insirasyon sa iba't ibang pantry initiatives sa Pilipinas.

COMMUNITY PANTRY

HARRY ROQUE

HUNGER

KIER LEGASPI

LOCKDOWN

RED-TAGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with