^

PSN Showbiz

Angel, ayaw tantanan ng DDS

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angel, ayaw tantanan ng DDS
Angel
STAR/ File

Hindi pa rin tinitigilan si Angel Locsin ng ilang maka-DDS dahil sa insidenteng nangyari sa inorganisa niyang community pantry.

Ang latest naman ngayon ay ipina-swab test daw ang namatay na matanda sa community pantry na si Rolando dela Cruz, para malaman lang kung positibo o negatibo ba siya sa COVID 19.

Ini-request ito ng Punong Barangay Chito Valmocino ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sabi niya sa ilang reporter noong Sabado ng hapon, “Ni-request nga po namin na sana pati ‘yung family at siyempre pati yung namatay na talagang tinest na siya. Pero ini-request din natin na pati yung pamilya ay mai-swab test na rin at  iyon namang sa tatay ‘yung namatay, hinihintay na lang ang resulta. Para malaman natin kasi malaking problema kung sakali at magpa-positive ‘yung ama. Sana naman ay hindi.”

Ginagawan na rin daw ng paraan na magkaroon ng contact tracing dahil susubukan daw nilang ma-swab test lahat na pumila sa community pantry ni Angel, para malaman kung may nag-positive ba sa mga dumalo.

Hindi naman ipinasa ni Angel sa iba ang sisi sa nangyari noong nakaraang Biyernes. Lahat iyon ay hinarap niya at wala raw ibang sisihin kundi siya. “Nirerespeto ko po kung ano ang sasabihin nila. Wala naman po akong masisising ibang tao, kasi gutom lang po talaga sila. Inuulit ko po. Kung sa tingin po nila na malaki po ang pagkakamali ko, aakuin ko naman po.

“Hindi naman po ako magturo ng ibang tao. Kasi wala namang ibang dapat sisihin,” bahagi ng pahayag ni  Angel sa nakaraang interview sa kanya ni Alvin Elchico sa TV Patrol noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Guwapong young actor, nagkalat ang litratong nakahubad ang pantalon sa kotse at kamay na may nilalaro

Napipika na ang guwapong young actor sa mga nagpapadala sa kanya ng mensahe kung siya ba itong may kumakalat na scandalous na mga litrato.

Kamukhang-kamukha ni young actor ang nasa litrato na kuha sa loob ng kotse at nakababa ang pantalon niya. May ilan pang kuha na pati ang underwear na waley na rin at may isang kamay na naglalaro sa kanya.

Kamukhang-kamukha ni young actor ang nasa litrato, pero itinatanggi niya ito. Puwedeng hindi nga siya iyon dahil ang dami naman kasi niyang kamukha lalo na sa mga taga-Middle East.

Sa rami ng mga nagtatanong dito kay young actor, tila nakukumbinsi na raw siya ngayon kung ginawa ba niya iyon o hindi.

Hindi na raw kasi niya maalala kung nagawa ba niya iyon sa loob ng kotse noong wala pa siya sa showbiz.

David, tinutulungan ni EA

Naging plus factor nga kay David Licauco ang pagkatsinito niya kaya pasok na pasok siya sa mala-K-drama na konsepto ng Heartful Café na pagtatambalan nila ni Julie Anne San Jose.

Pero ang isa ipinagpasalamat niya ay ang pagpayag ni Edgar Allan Guzman na mag-support sa kanya dahil nasa iisang kuwadra lang naman sila ng manager nilang si Arnold Vegafria. Kaya lalo raw silang naging close ni EA nang nagkasama na sila sa taping ng Heartful Café. “As we know na si EA ay magaling na aktor. Kapanalo lang nga niya ng award eh. To my surprise, si EA naman sobrang helpful na tao. Pero way back… kasi naging loveteam ko si Shaira (Diaz) before….pero okay dahil nang nagkasama na kami ni EA sa taping ng Heartful, lalo kami naging close.

“Ang dami naming similarities when it comes to mga likes, mga interest…basketball, mga pag-iinom ganun. Napakabait na tao ni EA,” pahayag ni David sa nakaraang virtual mediacon ng Heartful Café na magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.

Sagot naman ni EA; “Nakita ko naman kay David ‘yung passion niya na gusto niyang seryosohin to. Kasi big break for him. Bilang isang kuya at nasa isang management naman kami kay ALV, para sa akin tutulungan ko ‘yung tao kung ano man ‘yung meron akong konting kaalaman pagdating sa ganito o acting, kung ano ang maitulong ko ibibigay ko naman sa kanya.

Ang maganda lang kay David, marunong siyang magtanong. So, willing siyang matuto.”

ANGEL LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with