Siguro nga Salve dahil sa sobra nating hilig sa Koreanovela at Korean stars, pati mga Korean supermarket nagkalat na dito sa atin. Talagang hindi mo aakalain ang pagrami ng groceries at resto na Korean ang tinda, at mga pagkain na napapanood mo sa k drama. ‘Yung ramen o noodles na pinasikat nila dahil parang common food nila, hayan nagkalat na sa atin, kalaban na ang local products natin. Pati iyon mga gulay nila, available na para bang kalahati ng Pinas, mga Koreans na. Ok naman, dahil iyon combination ng Pilipino/Korean maganda naman. Hindi mo nga lang akalain, na dati Chinese, Japanese, Thai, Indian o mga Bumbay, ngayon Koreano na.
At mukhang kumikita ang mga resto at grocery dahil ang dami na talaga, left and right na.
Sana magtayo rin ng grocery ang mga fave Oppa ko, para maging suki ako, pakyawin ko everyday tinda nila basta si Jo In-Sung at Lee Joon-Gi ang tindero. Hahaha. Ilusyon pa more.
Hindi nagpakilalang tao, nagbigay na walang kapalit
Humanga ako sa SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors), Salve. Napatunayan ng organisasyon ninyo na kasalukuyang si Ian Farinas ang presidente how credible at trustworthy ang inyong samahan nang sa inyo ipagkatiwala sa pamamagitan ni Nestor Cuartero ang Project Kalingap para sa mga showbiz writers.
Hindi ako makapaniwala na may isang napakabait, generous na tao na ayaw magpakilala pero bukas ang palad na tumulong.
Ang daming artista na nagmamalaki sa mga property nila, collection ng alahas at relos, may tumutulong pero nagpa-fundraising at ‘yung iba naghahanap ng sponsor.
Meron din talagang sincere na kahit konti makatulong lang, nagpapaabot. Affected talaga ang movie writers ngayong pandemic. Iyon iba suwerte dahil regular ang job.
Ang sponsor ng Project Kalingap ay isang tao na hindi natin kilala, dahil ayaw niyang magpakilala. Walang hininging pabor, kundi dasal para sa safety niya. Isang milyon ang ipinagkatiwala niya sa SPEED para ibigay sa inaakala nilang karapat-dapat na 100 showbiz writers na mabibigyan ng 10K bawat isa.
Malaking bagay na ‘yun sa panahon ngayon. At huwag umasa iyon mga writer na attack and collect, mga gatecrasher o nagpapanggap na writers, dahil iniscreen na mabuti ng SPEED ang mga makakatanggap ng biyaya.
Isang tao na talagang hahangaan mo, dahil hindi lang sa 1 milyon ang itinulong niya, kundi nagbigay siya nang hindi naghanap ng kapalit. Isang tao na sasambahin mo dahil mahal niya ang mga movie writers, dahil hindi kailangan humingi sa kanya, kusa siyang nagbigay.
Pasalamatan natin ang SPEED, si Nestor Cuartero dahil nakakita sila ng isang kaibigan handang tumulong sa 100 writers na malaking bagay ang mabibigay ng 10K na tatanggapin.
Salute, at forever grateful sinuman ang friend na ito ni Nestor. Tumutulong ng walang hinihingi. At kusa sa loob ang pagbibigay.