Mayaman at mahirap naging pantay sa virus!

Mayor Joy
STAR/ File

At last, Salve, mababakunahan na ako.

Madali lang pala ang procedure, magpa-enlist ka lang sa QC vaccine registration at maghintay ng text nila. Itatawag kung saang lugar at oras ang gagawin ang pagbakuna sa iyo. Dalhin mo ang ID at mga supporting medical records, hayun, may proteksyon ka na sa COVID-19.

Siyempre senior na kami ni Cristy Fermin, at si Mr. Fu may medical conditions kaya naman kailangan naming mag-ingat at maniwala sa vaccine.

Maayos at mabilis ang lahat, very competent ang mga medical people na naka-assign para magbakuna.

Talagang napakahusay ng pamamalakad ni Mayor Joy Belmonte, kaya naman maayos ang lahat. Pati nga ang regular na pagkuha ng basura sa subdivision namin talagang commendable.

Imagine mo halos araw-araw may garbage collection talaga.

‘Kalokah, I love Quezon City talaga, parang meron kaming mother hen sa katauhan ni Mayor Joy Belmonte.

Feeling safe na ako, may vaccine na ako.

Salamat talaga. Puwede na ako mag-sleep safely, hah hah. Puwede na kaming bumiyahe ni Aries sa Korea, bongga!!

At kahit pala mga artista, talagang dumaan din sa tamang proseso. Lahat naman maayos at hindi mahirap. Sundin mo lang lahat ng ins­tructions, hayun, maa-avail mo na ang mga ibinibigay ng gobyerno natin para sa mga mamayan nito.

Mahirap, mayaman, artista o ordinaryong tao, lahat ay pantay-pantay na ngayon.

Lahat tayo naging pantay dahil kay COVID-19. Huwag nang mag-ilusyon o mag­reklamo, sundin na natin ang mga dapat gawin.

Tama ‘yung sinabi ng experts, the best vaccine ‘yung available. Kung ano ang nandiyan, kunin natin, unahin muna natin ang tiwala, saka na ang agam-agam.

Lahat naman ay may risk, i-take na natin iyon kesa naman wala tayong laban sa katawan. Andiyan ‘yung bakuna, gamitin na natin.

Mas mabuti na ‘yung meron tayong bakuna, kesa naman wala.

Basta now, tiwala ang ibigay natin, ang gawin natin, saka na ang pagdududa. May mga bagay na hindi mo na dapat tinatanong, ginagawa na lang.

Show comments