^

PSN Showbiz

Guwapitong baguhang actor na mahilig makipagkiskisan, hinahanap na ng mga bading!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Totoo kayang takot ang karamihang artista na mag-tape sa studio? May babalik na sana sa taping sa susunod na buwan, pero hirap daw ang mga staff sa pagkuha ng guests dahil takot ang mga artistang kinukuha na mag-tape sa loob ng studio na hindi open at doon lang sa loob ng studio nagsi-circulate ang hangin.

Ang dami na kasing nagkasakit at nahawa ng COVID-19.

Kagaya nitong guwapitong baguhang aktor na type na type ng mga kabadi­ngan kapag kasali siya sa taping ng isang weekly show. Kapag break time kasi, ang hilig makipaglaro ni guwapitong aktor sa mga kabadingan. Lagi pa siyang naka-jersey shorts na bakat si ‘junjun’ na napapamulagat ang mga kabadingan, pati ang ibang hindi bukelya ang kabadingan.

Minsan ay nakipagharutan pa ito sa mga bading na staff na niyayakap niya sa likod. Siyempre nakikiskis si ‘junjun’ sa likod ni bading. Hindi na kayang makipag­harutan ng ilang bading dahil nanlalambot na sila sa dumudungol sa likuran nila. Keber na may social distancing, tuloy sa pakipaglaro si guwapitong aktor.

Ngayong matagal nang nag-stop taping, nami-miss na nila ang kaharutan ni guwapitong aktor. Kelan pa raw kaya babalik sa dating normal, para todo-todo ang pakipagharutan kay guwapitong aktor.

Hindi pa gaanong sikat si guwapitong aktor, pero ang dami niyang followers sa Instagram dahil sa ilang posts na may pasilip ng malagong balahibo sa puson, at may pabukol pa minsan.

Hindi siya nawawalan ng projects dahil paborito siya ng isang bading na may mataas ding katungkulan sa kanyang departamento.

Babaeng sumimot ng laman ng community pantry sa Pasig, na-bash

Patok na patok ngayon sa mga mamamayan ang ‘community pantry’! Kahit saan ka magpunta, may madadaanan kang maliit na mesa na may mga nakalagay na mga de lata, itlog, bigas, gulay at iba pang pagkain na libreng ipinamimigay sa lahat.

Lalo pang pinag-usapan lately dahil sa nag-viral na video ng anim na baba­eng sinimot ang lahat na laman ng mesa sa isang community pantry sa Pasig.

Alipusta at katakut-takot na bashing ang inabot ng mga babaeng iyon, lalo na ‘yung tumangay ng dalawang tray na itlog.

Nag-post nga si Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook account noong nakaraang Martes ng gabi na nilinaw niyang walang hinihinging permit ang LGU sa kung sino mang gustong maglagay ng ‘community pantry’.

Sinimulan ito ni Ana Patricia Non sa Maginhawa St., QC at pinuri ito ni Mayor Joy Belmonte.

Aniya; “Indeed, these initiatives highlight the bayanihan spirit inherent in our QCitizens.

“The city government will therefore ensure that the organizers and beneficiaries of Community Pantries remain safe and unimpeded...”

Ang dami nang nagsunuran. Hindi lang dito sa Metro Manila kundi pati sa ilang probinsya.

Kaya nag-trending ang hashtag na #MadiskartengPinoy.

Nakakatuwa pa nga sa ibang probinsya, kagaya ng Antique, na mga sariwang gulay ang nakalatag sa kalye at may bilin na humingi na lang sa nagbabantay pero humingi lang ayon sa pangangailangan.

Nakakatuwa ang ganitong bayanihan. Pero may umeepal pa ngayon at sinasabi ng DILG Undersecretary on Barangay Affairs Martin Diño na dapat ay may permit ito para matiyak lang daw na nasusunod ang safety protocols na ipinapatupad. Pero kaagad din namang kinontra ni Undersecretary Jonathan Malaya na hayaan na iyon at wala nang permit permit na ‘yan!

Meron ding isinasangkot pa sa red-tagging ang nagpasimuno nitong community pantry.

Hindi tuloy nakapagpigil ang ilang netizens na magbigay ng kanilang opinyon sa pangingialam at pang-eepal ng mga taong ito.

Ipinorward sa akin ng kaibigang Noel Ferrer ang pahayag ng iginagalang na manunulat na si Lualhati Bautista.

Sabi niya; “Pati ba naman mga inisyatibo na may magandang layunin na tulad ng community pantry, ire-red tag ng mga sipsip sa gubyerno? Ano ang nag-uudyok sa mga red-taggers na ito para gawin ang gano’n? Inggit na hindi sila ang nakaisip ng inisyatiba na naka-inspire sa marami? Galit, na lalong nalalantad ang kahirapan ng taong-bayan at kakulangan ng gubyerno na tugunan ang kahirapang ito na ‘yung mga nasa katungkulan ang pangunahing dapat tumugon? O simpleng kawalan ng simpatiya kundi man pagkamuhi sa taong-bayan?  Masyado na kayong kasumpa-sumpa!”

PANTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with