Matapos ang panic attack sa promo ng Init Sa Magdamag, naaksidente naman si JM de Guzman sa taping.
Ang laki ng hiwa ni JM sa may bandang forehead. “4 stitches sa gitna ng wound para hindi visible yung stitches so we can continue to rock and roll. #aksidente #initsamagdamag thanks ate @yamconcepcion yamconcepcion for the cute art,” caption story ni JM sabay promote nito sa Init...
Hindi naman siya iniwan ni Yam Concepcion at parang naglolokohan pa sila, main lead si Yam sa Init..., the whole time at nagso-sorry ito. Comment pa nito #badboyproblems @1migueldeguzman.”
Walang banggit kung anong eksena ang kinukunan nang maaksidente ang aktor.
Grupo ni Gretchen nakapamigay ng 81 ambulances, mga sabungero familiar na sa dating actress
Wow, 81 ambulances na pala ang naipamigay ng grupo ni Gretchen Barretto sa iba’t ibang probinsya.
Pitmaster Foundation ang grupo nila Gretchen. Ito ay ino-operate ng samahan ng mga cockpit operators sa bansa.
Mismong si Gretchen ang nag-share ng info tungkol sa pamimigay nila ng ambulansiya.
Kaya naman familiar na si Gretchen sa mga sabungero maging sa new normal approach ng ganitong laro.
Ilang Kapuso stars, naaliw sa pagluluto
Ngayong pandemya, sumabak rin sa kusina ang mga Kapuso star at ang iba nga sa kanila, ibinahagi ang kanilang recipe sa Good News na mapapanood ngayong Lunes sa GTV.
Sa tulong ni Maey Bautista, alamin natin ang sikreto ng homemade pizza ni Jennylyn Mercado. Ipapakita naman ni Richard Yap ang kanyang fried rice recipe. Para sa healthy and yummy pasta recipe, si Alice Dixson ang bahala.
Bukod sa turon o lumpiang shanghai, ituturo rin ng Good News ang kakaibang lumpia recipes na tiyak magugustuhan ng buong pamilya. Aariba sa almusal ang lumpia version ng churros at pancake, habang pwedeng ulam naman ang lumpia tortilla. Para sa meryendang may Italian twist, subukan ang lumpia pizza.
At since “lugaw is essential,” titikman ni Love Añover ang sari-saring mga paandar nito. Uumpisahan niya ang pagsampol ng gotong pinagbibidahan ng puwet ng manok. Abot-langit naman ang kanyang kabusugan sa mga gotong may sinigang at Bicol Express twist. Para sa lugaw na kakaiba, susubukan niya ang version na may sisig at adobo egg.
Samahan si Vicky Morales sa Good News tuwing Lunes, 5:45 p.m. sa GTV.
Unang single na Bakit Hindi Ko Sinabi mapapakinggan na
Sof Vasquez may kanta para sa kanyang totga
Balik-‘90s ang dating Tawag ng Tanghalan finalist na si Sof Vasquez sa debut single niyang Bakit Hindi Ko Sinabi mula sa Old School Records.
Ang American R&B/soul icon na si James Ingram ang inspirasyon ng composer ng kanta na si KIKX Salazar, kaya naman ramdam sa kanta ang tunog ng ‘90s ballads. Para rin ito sa ‘the one that got away’ kaya sadyang punung-puno ng emosyon.
Bago ang kanta niyang Bakit Hindi Ko Sinabi, nanalo ng 3rd place si Sof sa TNT All-Star Grand Resbak noong 2019 at naging grand finalist din sa second season ng Tawag ng Tanghalan noong 2018.
Sa ngayon, active siya bilang streamer sa Filipino community livestreaming platform na Kumu, kung saan nanalo na siya sa ilang campaigns gaya ng pagiging kauna-unahang Metro Man cover star.
Kasama ni Sof ang ilan pang up-and-coming artists gaya nina KVN, Chloe, RJZON, at KHIMO na naglabas na rin ng mga orihinal na kanta mula sa Old School Records, isang ABS-CBN Music label na layuning ibida ang musika na may tunog ‘70s, ‘80s, o ‘90s pero may modern twist.
Pakinggan ang debut single ni Sof na Bakit Hindi Ko Sinabi sa iba’t ibang digital music platforms.