K-drama, swak sa mga may mental ­fatigue na

Naku ha, dahil ang theme ng K drama na Good Wife ay mental fatigue, biglang naisip ko, totoo nga na kahit ang utak natin may nararamdaman ding pagod. Siguro nga, kaya kung minsan akala mo may mental problem ka na, dahil nga sa fatigue ng utak natin. Iyon one day you wake up parang punung-puno ng kung anu-ano ang utak mo.

Parang iyon katawan natin sumusuko sa pagod, siguro ganun din ang utak natin. Dapat siguro may araw din na wala siyang laman kundi good vibes lang, good things, happy thoughts, para hindi rin  pagod na pagod ang ating mga utak.

Sa rami ng mga problema na hinaharap natin sa bawat araw, gusto Rin siguro ng utak natin na ma-relax, huwag pilitin hanapin ang solusyon sa isang problema na mahirap ayusin, basta keber lang ng isang araw, give our thoughts a break.

Kaya siguro iyon iba wala nang magawa kundi mang-bash, kasi nga meron nang mental fatigue, gusto nang mahawa ang iba sa gulo ng utak nila.

Ipahinga natin, bigyan natin ng breaker, gandahan ang laman ng utak, para hindi mabaon sa problema.

Pandemic na sa labas, huwag pati utak pandemic din, hah hah, walang bakuna sa covid sa utak, kaya mag ingat.

Agimat... hindi tinipid

Marami na siguro ang sabik na sabik sa paglabas ng Agimat ng Agila.

Maganda ang trailer na ginawa ni direk Rico Gutierrez, at in fairness sa GMA 7 talagang todo suporta ang binibigay nilang ayuda sa project.

Hindi tinipid, talagang bawat eksena talagang pinaghirapan, kaya naman matutuwa tiyak ang followers ni Bong Revilla.

Dagdag pa na marami na rin followers si Sanya Lopez na hot ngayon dahil sa tagumpay ng First Yaya.

Kahit ano pa ang ibato ng ilang sektor kay Bong Revilla, solid pa rin ang followers niya sa showbiz.

Ipinakita ng mga followers niya ang pagmamahal sa kanya all these years, kaya tiyak namin hindi nila bibiguin ang resulta ng TV show na matagal nilang hinintay.

Show comments