Makakasama ng Pinoy fans sa pagtutok sa koronasyon ng bagong Miss Universe dahil ihahatid ito ng live ng ABS-CBN sa pamamagitan ng A2Z channel.
Panoorin ang pagrampa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe Competition sa ika-17 ng Mayo, Lunes, simula 8 am sa A2Z at may replay ng 10 pm.
Gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA ang pageant na ipalalabas rin sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel sa May 23 (Linggo), 9:45 pm at may livestreaming sa iWantTFC para sa mga manonood sa Pilipinas.
Mapapanood din ito sa Metro Channel sa cable TV sa May 24 ng 12 nn at 10 pm, May 26 ng 5 pm, at May 29 ng 8:30 am.
Tubong Iloilo City si Rabiya, na patuloy na gumagawa ng ingay sa kanyang magagandang photo shoot at kasalukuyan nang nasa Amerika para sa pre-pageant activities.
Layunin ni Rabiya na magbigay saya at karangalan sa bansa sa kanyang paglaban upang maging ika-limang Miss Universe mula sa Pilipinas pagkatapos nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Samantala, kumalat kahapon na positive sa coronavirus ang representative ng India and Argentina - Miss Universe India 2020 Adline Castelino and Miss Universe Argentina 2020 Alina Luz Akselrad.
Pero wala pang official statement ang Miss Universe organizer tungkol dito.
Marami namang nawindang sa sobrang mahal ng panonood ng live ng pageant. Ayon sa post ng isang account na ‘affiliated’ sa pageant, almost $2,500 ang cost na ikinaloka ng mga nakabasa.
Mag-a-abroad na lang daw sila kesa manood nito ng live.
“VIP tickets for the 69th #MissUniverse pageant are out!!! AND LOOK AT THESE PRICES. There are two different packages (shown in the 3rd slide) : IVY - The Fan Experience ($999 per person) and DIAMOND - The Ultimate VIP experience ($2499 per person). And you can only buy in batches of 2 or 4, not one ticket only! Plus taxes on that! (check out the last slide for a screenshot of my friend’s bill). These prices are insane. GENERAL PUBLIC TICKETS SALES START ON APRIL 16 AT 10AM EST!”
Well, hindi naman nga raw ito parang ordinary audience kaya ganun ang presyo.
Or baka naman may kasamang swab, vaccine and accommodation na ‘yun.
At sa Philippine peso, 121,065.30 ang $2499.
Ohhh ay siya sa Kapamilya channel na lang tayo manood.