Sikat na aktor, naniniwalang magiging senador sa 2022

Napapag-usapan na rin pala ang balak ng isang sikat na sikat na aktor na pasukin ang pulitika. Kinukumbinsi raw kasi ng dati niyang nakatrabaho na nasa pulitika na ngayon na kaya raw niyang manalo kahit senador ang tatakbuhan.

Puwede naman kung talagang magkampanya siya nang husto dahil kilalang-kilala naman siya sa lahat na sulok ng bansa.

Pero hindi raw pabor ang ilang katrabaho niya na pasukin ang pulitika, dahil mas mabuting mag-focus na lang daw siya sa kanyang showbiz career.

Makakatulong naman daw siya sa taumbayan kahit hindi siya tumakbo sa darating na eleksyon, pero tila mas pinapakinggan daw ni sikat na aktor ang pulitikong nakatrabaho niya noon.

Hindi na raw niya pinapakinggan ang payo ng ilang taong malapit sa kanya, kahit ang manager niya.

Tila pursigido na raw ito sa balak niya sa 2022 elections. Pero matagal-tagal pa naman ‘yan. Baka mabago pa raw ang plano nito. Mas mabuting pagandahin pa niya lalo ang programang pinagbibidahan niya.

Jennylyn humina na ang hatak?!

Ang daming nangulit sa amin kung sino ang dalawang Kapuso actress na ligwak sa mga susunod na programa ng GMA 7.

Kapansin-pansin lang kasi na sa rami ng mga bagong programang gagawin ng GMA 7, hindi kasali ang dalawang aktres na naging paborito naman ng naturang network.

Kaya pinag-iisipang baka nga totoo ‘yung usap-usapan ng ilang taga-Kapamilya network na lilipat sa kanila ang dalawang aktres na ito.

Magaling sila, premyado at ang isa ay me­ron naman show ngayon pero hindi raw siya happy sa show na ginagawa niya ngayon.

Parang naghahanap daw sila ng mas magandang programa na talagang magtsa-challenge ang galing nila sa pag-arte.

Ilan sa mga bagong drama series na sisimulan ng Kapuso network ay ang kay Alden Richards na mala-Start-Up nga raw ang kuwento na kung saan sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith ang makakasama niya.

Ang isa pang pinaghahandaan na rin nila ay ang mini-series na pagbibidahan ni Dingdong Dantes na pinamagatang Alternate.

Isang malaking serye rin ang gagawin ni Jennylyn Mercado na may pagka-out-of-the-box daw ang konsepto nito. Dapat nga sigurong naiiba ang gagawin ni Jennylyn, dahil hindi namin gaanong naramdaman ang lakas niya.

Napakahina ng episode niya sa Magpakailanman noong nakaraang Sabado. Mas malakas pa nga ang ibang replay episodes. Kaya dapat makakabawi rito ang GMA Ultimate Star.

Nagulat naman si Paolo Contis nang mabalitaan niyang siya na nga ang napiling isa pang leading man ni Heart Evangelista sa I Left My Heart in Sorsogon.

Nabasa na lang daw niya sa news, pero wala pa raw sinabi sa kanya ang production.

Gustung-gusto raw niya ang role niya rito sa gagawin nila ni Heart at Richard Yap.

Ang isa pang inaabangan ngayon ay ang pagbabalik drama ni Julie Anne San Jose sa Heartful Café, kasama si David Licauco.

Nakatapos naman ng first cycle ng taping sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa drama series nilang Love You Stranger para sa GTV.

Kinuwento nga ni Gabbi sa vlog niya na first time raw niyang ma-experience ang lock-in taping kaya nagtanung-tanong pa raw siya sa mga kasamahan niya sa All-Out Sundays na sina Barbie Forteza, Julie Anne at Kyline Alcantara kung ano ang dapat gawin at mga dadalhin sa lock-in taping.

“It’s my first time to experience this kind of taping. It’s kind of new so I’m a bit nervous.

“I don’t know if I’m overpacking or I’ve underpacked. I asked Kyline, I asked Julie, and Barbie what are the right things to bring,” pahayag ni Gabbi sa kanyang vlog.

Samantala, matitigil muna pansamantala ang Centerstage dahil hindi pa puwedeng mag-taping, ngayong naka-MECQ tayo, ang mga batang contes­tant.

Maayos naman ang virtual-set taping nila pero hindi pa rin talaga puwedeng magtrabaho ang mga bata kahit nasa bahay lang. Kaya pansamantalang mapapanood muna sa timeslot na iyon ang specials ng The Clash na napanalunan nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin.

Show comments