^

PSN Showbiz

Rachelle Ann, ayaw palakihin ang anak sa yaya

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Rachelle Ann, ayaw palakihin ang anak sa yaya
Martin, Rachelle and Baby Lukas
STAR/ File

Tuwang-tuwa kami sa mga kuwento ni Rachelle Ann Go tungkol sa kanyang panganganak.

Noon daw second day matapos niyang ipanganak ang kanilang baby boy na si Lukas, napansin niyang nagugutom na ang kanyang anak. Wala pa siyang karanasan doon, pero iyong instinct ng isang nanay, nagpasuso siya sa bata. Tapos bigla raw siyang natakot nang mangitim ang kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Pero bago siya mag-panic nang husto, nakita niyang may nurse nang nakapasok sa room nila at tinulungan siya, kasama rin ang isang doctor. Sa pagkakaalam namin, talagang nangyayari naman ang ganoon, dahil hindi pa rin sanay sa  breastfeeding ang bata at basta nabibigla, maaaring mabulunan din o kaya ay kapusin ng hangin.

Dito sa atin ang mga matatanda noong araw kung sabihin iyon ay “nalunod sa gatas.” Pero ang ginagawa lang doon ay inihihinto sandali ang pagpapasuso para makahinga ang bata at ayos na iyon. Kung matindi naman talaga, ibinabaliktad nila ang bata at pinapalo sa puwet. Basta umiyak iyon ayos na.

Iyon ang alam naming ginagawa ng mga matatanda at maging ng mga kumadrona noong araw. Ngayon kasi puro ospital at mga doctor na eh. Wala na iyong mga kumadronang nagpapaanak kahit na sa bahay lang.

Noong araw na mga bata pa kami, may kapitbahay kaming kumadrona. Basta tumawag iyon ng tricycle na de padyak, at dala ang kanyang itim na bag, alam namin na may manganganak na naman. At magkano lang ang bayad noon sa isang kumadrona?

Pero nakakatuwa iyong kuwento ni Ra­chelle, first time mother kasi pero natututuhan niya on her own kung papaano niya aalagaan ang kanyang anak, at sinasabi nga niya, tala­gang mag-uukol siya ng panahon para personal na pangalagaan ang baby niya. Hindi siya aasa sa isang yaya.

Tama rin naman iyon. Bagama’t lately niro-romanticize sa isang teleserye ang role ng isang yaya, iba pa rin ang mga batang laki sa kanilang mga magulang kaysa sa mga alaga ng kanilang yaya. Nawawala kasi iyong bon­ding ng mga bata at magulang nila na dapat nade-develop habang bata sila.

Aktres, nabiktima ng maraming manloloko

Ilang oras nga ba ang naging kuwentuhan namin ng aktres na si Odette Khan noong isang gabi.

Sanay kami sa mahahabang kuwentuhan noong sa Ermita lamang siya nakatira, eh ngayon malayo na siya. Pero may telepono naman.

Napagkuwentuhan namin ang show business noong panahong halos pareho pa lang kami nagsisimula.

Huwag na kayong magtanong kung kailan iyan. Kami nga nagkatawanan dahil naalala namin noon na child star pa lamang si Lorna Tolentino at ang screen name pang ginamit ay Giselle. Natatandaan namin, si Lorna ay kasama sa isang dance group, ang Dance and Lollipops na kasama pa iyong si Pinky Montilla. Isipin ninyo ang tagal na ng panahong iyon.
Napagkuwentuhan din namin ang lahat ng mga taong “nanloko” sa isang mahusay na aktres.

Kung hindi siguro siya pinagloloko ng mga pinagkatiwalaan noon, at natuto rin siyang humawak ng pera, sa ngayon baka siya ang pinakamayamang artista. Pero hindi nga natuto eh.

Ilang oras inabot ang kuwentuhan namin, kulang pa rin. Hindi bale may kinabukasan pa naman.

Aktor-aktoran, ni-reject ng bakla

Hindi maikakailang nagulat ang isang male star na hindi pa naman tala­gang sikat, nang hindi niya inaaasahang i-reject siya ng isang showbiz gay.

Pogi si male star, at matindi ang appeal niya sa mga bading na lahat yata followers niya sa TikTok, pero for the first time, na-reject siya. May dahilan naman pala ang showbiz gay. Mayroon daw kasi iyong boyfriend na mas bagets at mas poging ‘di hamak kaysa sa male star. Model-endorser din daw ang pogi.

“At mas sigurado akong tunay na lalaki ng boyfriend ko kaysa sa kanya,” sabi pa raw ng showbiz gay.

Kasi naman iyang male star na iyan ay may history rin ng “tinimbang at talagang kulang.” At saka noong araw kung tawagin iyan ay royalty, “prinsesita ng Ermita.”

RACHELLE ANNE GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with