^

PSN Showbiz

Ibang nabakunahan na, ­nagkaka-COVID-19 pa rin!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng nangyari kay Claire dela Fuente na sobrang ikinabigla ng entertainment industry sa ating bansa, ang kasunod naman ay mas magagandang balita.

Tinamaan ng COVID si Rhian Ramos, at nagkahawahan sila ng kanyang road mana­ger pero kapwa naman silang gumaling na.

Inamin ni Rhian na mahirap sa simula, at naroroon ang kaba sa dibdib niya, pero sa awa naman ng Diyos ay nalampasan niya iyon.

Tinamaan din ng COVID ang anak ni Kuya Germs, at ngayon ay member ng MTRCB na si Federico Moreno, at sa kanyang kuwento, hindi biru-biro ang tumama sa kanya. Pero magagaling naman daw ang mga doctor na tumulong sa kanya. Bukod doon, ang pinsan niyang si John Nite na isang doctor din at nauna pang tinamaan ng COVID-19, ay napayuhan siya kung ano ang dapat gawin na sinasabi niyang nakatulong nang malaki sa kanya.

Maganda rin naman ang balita kay dating Presidente Erap na inalis na sa ventilators at mukhang sa oxygen na lang yata nakakabit. Tuluyan nang na-control ang kanyang pneumonia, at mukhang on the way to recovery na talaga siya.

Mali rin iyong ibang tsismis ha, hindi kinakitaan ng COVID ang yumaomg aktres na si Mildred Ortega, na-stroke siya kaya dinala sa ospital at nagkaroon ng cardiac arrest dahil doon.

Iyang personalities na iyan ay gumaling mula sa COVID na wala namang bakuna. Sinasabi rin ng mga eksperto na kahit na mabakunahan ka na, possible ka pa ring tamaan ng COVID. Tingnan ninyo iyong PSG ni Presidente Digong, sinaksakan nila ng mga bakunang smuggled pa mula sa China, pero marami rin sa kanila ang tinamaan ng COVID.

Kaya nga sa palagay namin, tama ang sinasabi ni Angel Locsin na ang dapat ay mass testing, mai-isolate ang infected para hindi na sila magkalat, kaysa sa pinaniniwala tayo na ang pag-asa lang natin ay iyang bakuna na kung wala mang epekto o magkaroon man ng masamang epekto sa atin ay walang may pananagutan.

Pinaniwala tayong basta dumating ang bakuna ay solved na ang problema, iyon pala kung kailan nagkaroon ng bakuna at saka mas marami pa ang nagkasakit. Ano ba iyan?

Migo, nawalan ng pag-asa sa career?!

Nagpaalam na ang male star na si Migo Adecer. Nagbalik na siya sa Australia kung saan naroroon ang kanyang pamilya. May narating naman siya kahit na papaano, naging bida naman siya sa isang serye bago siya umalis pero siguro naisip niyang wala na ring mangyayari pa sa kanyang career dito sa Pilipinas. Eh ano nga ba ang chances niya ganung mas maraming artistang mas beterano, mas sikat, na wala ring trabaho dahil sa pandemya?
Siguro nang magpunta si Migo sa Pilipinas at sumali sa StarStruck, ang laki ng kanyang expectations lalo na nang manalo siya. Siguro nang malaunan ay na-realize niyang hindi naman pala ganoon kadali. Inabot pa siya ng pandemic. Nasara pa ang ABS-CBN, kaya lalong dumami ang mga artistang available sa kakaunting trabaho.
Telebisyon lang ang inaasahan nila, walang pelikula dahil sarado naman ang mga sinehan. Iyong video films, puro low budget, mga hindi kilala ang mga artista para mura ang bayad, dahil ipapalabas lang naman sila sa internet.

Maganda pa nga ang desisyon ni Migo na magbalik na lang sa Australia kung saan may COVID man, mas mahusay ang buhay kaysa rito sa atin.

Male star, itinago ang ari sa medyas

May naunang lumabas na mga artistic nude photos ang isang male star. Katuwaan lang naman daw iyon, at siya mismo ang nag-post sa social media.

Pero nagulat kami nang ang isa pang male star ay nagpadala sa amin ng isang picture na undoubtedly mula rin sa set na iyon, pero mas bold dahil nakaharap na siya sa picture.

Hindi naman siya nagbuyangyang talaga ng kanyang private parts, kasi nagsuot siya ng “socks” para maitago pa rin ang private parts mismo. Pero ano man ang sabihin, hindi namin maintindihan kung bakit nga kailangang ilabas ang mga ganoong pictures.

Bakit nga ba?

CLAIRE DELA FUENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with