JM, naghahangad ng maturity sa puso

JM
STAR/ File

Ano ang nararamdaman mo kung ang isang dating minamahal ay may bago nang mahal?

Tanong kay JM de Guzman sa virtual media conference ng Init sa Magdamag. “Masaya syempre, mahal mo ‘yung tao kung saan siya masaya, saan siya mag-i-improve, saan siya maggo-grow ayan mahal mo eh,” sagot ng actor na intense ang role sa teleserye nila nina Yam Concepcion and Gerald Anderson.

Pero walang pinatutungkulan ang tanong kahit hindi na kailangan tanungin na ex niya si Jessy Mendiola-Manzano.

Bukod sa maiinit na eksena, bakit kailangang panoorin ang Init sa Magdamag?

“‘Di po siya mediocre. Hindi siya ‘yung istorya, ‘yung material and kung paano po nag-collaborate ‘yung creatives, ‘yung mga artist, ‘yung mga staff, directors kami-kami po. Pinag-uusapan namin. Talagang puso’t kaluluwa ‘yung inilatag namin dito. Talagang sana may maka-relate. Sana may maiangat kaming nandun sa sitwasyon na kagaya ng sitwasyon namin ng characters naming tatlo and ‘yun po ‘yung maipapangako ko, promise na mabibigay po namin.”

At kung paano naman nakatulong ‘yung present state ng puso niya para magampanan effectively ‘yung role niya sa serye ay sinabi niyang : “State siguro ng puso ko ngayon, always aiming for maturity. So that’s why I love acting. Isa siya sa passion ko talaga siya because nako-confront ‘yung mga ‘di ko alam na weak part pala ng pagkatao ko when presented the character, na may ganitong conflict, dynamics.

“So, okay siya lagi sa akin kapag hindi ko pa nae-experience ‘yung character na ‘yun kasi at the end of the day, when I reflect tumingin ako sa sarili ko and compared doon sa character na binuhay namin sa teleseryeng ito natuturuan ako somehow to be a better person after,” paliwanag pa ni JM.

Natanong din ang actor kung ano ang mas mahirap na gawin, bida role or ‘yung bad boy na pa-mysterious?

“Isa sa mga ini-instill ko na role is I don’t judge dapat. Mapa-kriminal man siya, masama man siya, kung ano ‘yung ginagawa because mawawala ‘yung empathy so para sa akin pareho lang po. Pareho lang ‘yung effort. Pero dito kasi mas nagde-demand, mas malalim na intensity because of the conflict and dynamics nung character so hindi dahil sa bad boy siya. ‘Yun ‘yung dine-demand ng materyal and noong karakter.”

Sa trailer pa lang, talagang matindi ang role niya bilang asawa ni Yam na grabe ang obsession.

Show comments