Jinggoy dinedesisyunan ang mga nangyayari kay Erap

Jinggoy
STAR/ File

Masayang ibinalita sa amin ng dating Sen. Jinggoy Estrada na papagaling na ang kanilang amang si dating Pres. Joseph Estrada. “On the way to recovery,” bahagi ng pahayag ni Sen. Jinggoy sa programa namin sa DZRH nung Biyernes ng gabi.

Kaya nagpapasalamat siya sa lahat na mga nagdasal, laging nangungumusta sa kalagayan ng kanyang ama, sa doctors at nurses na nag-alaga, at higit sa lahat sa Panginoon.

Nag-iwan nga raw sila ng cellphone sa Daddy nila kaya nakakausap na raw nila ngayon dahil na-extubate na raw ito at kahit sandali lang nakakapagsalita na raw at kaya nang huminga on his own.

Minsan daw ay nagpi-Facetime na sila kaya nakikita nilang papagaling na ang Daddy niya. Ang wish sana nilang lahat ay makakalabas na ito ng hospital bago ang birthday niya sa April 19. “Hindi ko po masasagot yan kasi nung tinanong ko sa doktor niya, sabi ko ‘doktora magbi-birthday yung tatay ko, sa tingin nyo ba makakalabas na siya. Sabi niya, ‘do not tempt God,” sagot sa amin ng dating senador kung sa paglabas nito ng pagamutan.

Medyo mahirap lang ang kalagayan ni Sen. Jinggoy dahil siya ang inaasahan ng lahat na gumawa ng desisyon bilang panganay nila. “I have no choice. Ako ang panganay. Natural lang na iasa nila sa akin lahat ang mga desisyon. Lahat ng kundisyon ng tatay ko na alam ko, kailangan kong sabihin sa taumbayan…hindi lang sa aking pamilya kundi sa taumbayan, bilang isang dating pangulo,” pakli niya.

Migo, lumayas ng bansa

Pinag-usapan ng ilang taga-GMA at fans ni Migo Adecer kamakalawa ang desisyon ng Kapuso hunk na iwan na ang showbiz. Umalis na pala siya pabalik ng Australia nung Biyernes ng gabi. Nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang Instagram post ng  “Alright peeps, this is it. Time for me to head out with a bang!  Thank you for the memories and thank you for the support! There was a lot of good (and bad) memories that were made during my stay here but they all made me who I am today! Met the love of my life here and worked with some hectic people! To the Philippines I bid you farewell, to @gmanetwork @artistcenter I say thank you for the epic opportunity to work for guys!

“To Migonatics thank you for the love and support and for one last time, Keep up The Hype! See you on the flip side (get it?)!”

May ilang kaibigan at katrabaho si Migo sa GMA 7 na tila alam na nila ang plano nito. Kagaya ni Cassy Legaspi na nag-comment na sa post na iyun ni Migo na finally na in-announce na rin daw ng aktor.

Isang katrabaho ni Migo ang nakaka-text niya bago siya lumipad pa-Australia, at sinabi na nga niya ang kanyang desisyong iwan ang showbiz career. Text nito; “Decided to hang up the coat. Just wasn’t feeling it anymore! And I wanted to be closer to my family.”

Nakakapanghinayang din dahil promising ang batang aktor. Napansin na nga yan noon ng namayapang si direk Maryo J. delos Reyes, na may lalim daw umarte ang bata. Medyo hirap pa siya noon mag-Tagalog.

Nakakapanghinayang din dahil promising ang batang aktor. Napansin na nga yan noon ng namayapang si Direk Maryo J. delos Reyes, na may lalim daw umarte ang bata. Medyo hirap pa siya noon mag-Tagalog.

Nabanggit pa noon ni Migo sa isa sa interviews namin na gusto rin sana niyang pasukin ang pagkanta. May talent din siya sa pagkanta, at sinabi nga niyang may mga nagawa na siyang kanta na gusto niyang i-record pero hindi lang daw niya alam kung masakyan ito ng mga tao lalo na ang fans niya. Nakaka-text ko nga ang ilang nagha-handle sa kanya at hindi raw nila kinu-consider na nag-quit na talaga siya sa showbiz. Magbabakasyon lang daw ito, at magpapahinga muna dahil sobrang na-miss na raw niya ang kanyang pamilya.

Hindi mo rin masisisi si Migo na umabot sa ganung desisyon dahil na rin kasi sa kalagayan natin ngayon. Lalo na’t mag-isa lang siya rito, kailangan din naman talagang makasama niya ang kanyang pamilya ngayong nasa panahon tayo ng pandemya.

May naiwan pang show si Migo na kung saan magkasama pa sila ni Kate Valdez sa isang episode ng My Fantastic Pag-ibig at may special participation pa sila sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco. Ngayong Linggo ay kasama pa si Migo sa barkada ng All-Out Sundays na kung saan sasalubungin nila ang summer. Bahagi siya sa opening number nito kasama ang mga ka-AyOS na sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid at marami pa.

Show comments