Pumanaw na ang taong malaki ang naging tulong upang madiskubre ng showbiz ang husay sa pagpapatawa ni Ai Ai de las Alas – si Jun De Dios na kilala rin sa sing-along joints na Daddy Wowie.
Covid-19 ang dahilan ng pagkamatay ni Jun ayon sa sagot ni Ai Ai sa nagtanong na followers niya.
Ayon sa bahagi ng post ni Ai Ai sa kanyang Instagram, kung hindi siya kinuha ni De Dios upang maging sing-along master sa sing-along bar nito na Music Box, hindi sana siya si Ai Ai ngayon ng showbiz.
“Salamat sa kabaitan mo saken…salamat at ikaw ang unang naniwala samen ni Arnell…Pahinga ka na…Til we meet again.”
Si Arnell Ignacio ang tinutukoy ni Ai Ai na una niyang naka-tandem sa pagpapatawa.
Ang Music Box ay located sa bandang ibaba ng building sa Timog Avenue corner Quezon Avenue.
Nakikiramay kami sa naulila ni Jun de Dios na naging malapit din sa amin noong nagsisimula pa lang siya sa sing-along business.
Gerald, durog na durog kay Bea
Idinagdag ni Bea Alonzo ang salitang gaslighted na isa sa ginawa sa kanya ni Gerald Anderson noong may relasyon pa sila. Ayon ito sa kanya sa isang interview ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment.
Ayon sa Google, para sa kaalaman ng readers natin, ang ibig sabihin ng gaslighted ay, “A form of emotional abuse that’s seen in an abusive relationships. It is the act of manipulating a person by forcing them to question their thoughts, memories and the events occurring around them. A victim of gaslighting can be pushed so far that they question their own sanity.”
Unang pinakalat ni Bea ang salitang ghosting at gaslighting ang latest vocabulary niya.
Durug na durog si Gerald kay Bea kahit may dini-date na siyang Dominic Roque, huh!