^

PSN Showbiz

Pag-iibigan sa pandemya, bida sa Boys’ Lockdown ng Heart of Asia

Pilipino Star Ngayon
Pag-iibigan sa pandemya, bida sa Boys’ Lockdown ng Heart of Asia
Ali
STAR/ File

Manaig kaya ang pag-ibig sa gitna ng mga pagsubok?

Simula Linggo (Abril 11), makikilala na ng mga manonood ang makukulay at relatable na mga karakter nina Key Kalunsod (Ali King) at Chen Chavez (Alec Kevin) na nagkamabutihan sa gitna ng enhanced community quarantine sa Pinoy boys’ love (BL) series na Boys’ Lockdown sa Heart of Asia channel.

Si Key ay isang introverted na college student na stranded sa Metro Manila at nahiwalay sa kanyang mga magulang na nakatira sa Baguio City habang si Chen naman ay isang sikat na online personality na gumagamit ng anonymous na account dahil siya ay mahiyain sa totoong buhay.

Wrong timing man nang magkakilala sila sa panahon kung kailan limitado ang mga galaw ng tao at ipinagbabawal ang masyadong paglabas, makakabuo pa rin ang dalawa ng espesyal na koneksyon sa kabila ng mga pagsubok.

Abangan kung paano uusbong ang pag-iibigan nina Key at Chen sa gitna ng pandemya sa Boys’ Lockdown tuwing Linggo, 11:00 AM, sa Heart of Asia channel sa GMA Affordabox, GMA Now, at iba pang digital TV boxes.

Arnel Pineda, may kanta tungkol kay Cardo

Kasabay ng mas tumitinding mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano, naglabas ang programa ng recompilation soundtrack tampok ang bagong theme song nito mula sa Pinoy Pride na si Arnel Pineda na siguradong mas maglalapit sa mga manonood kay Cardo.

Inawit ni Arnel ang Cardo Dalisay, isang rock song na kinompose ng isa sa cast ng serye na si Bassilyo. Swak ang kantang ito para sa karakter ni Coco Martin sa teleserye.

May bagong bersyon naman ng Ililigtas Ka Niya ang internationally-acclaimed Pinoy vocal group na Pinopela. Unang single ng grupo ang kanta na pasok sa tema ng serye ang mensahe tungkol sa pagtitiwala sa pagmamahal ng Diyos at orihinal na inawit ni Gary Valenciano.

Kinanta naman ni Coco ang theme song ng Task Force Agila na Dagit Ng Agila, na isinulat at ipinrodyus din ni Bassilyo na maririnig din sa kanta kasama ang isa pang rapper at aktor sa serye na si Smugglaz.

Mapapakinggan na rin ang buong bersyon ng opening song ng action-drama series simula 2018 na Nandyan Na Si Cardo kung saan ibinibida ang katapangan ng karakter. Isinulat, ipinrodyus, at inawit ito ni Randy Santiago.

Syempre, hindi mawawala ang rap song na Vendetta na isa ring komposisyon at produksyon ni Bassilyo na kumuha ng inspirasyon sa pangalan ng vigilante group sa serye kung saan naging bahagi si Cardo.

Ini-release ang mga kantang ito bilang bahagi ng isang recompilation album kasama ang ilan pang tumatak na awitin mula sa 2016 original soundtrack ng serye na FPJ’s Ang Probinsyano (Music from the Original TV Series).

Ilan sa mga kantang napasama sa orihinal na album ang ’Wag Ka Nang Umiyak ni Gary Valenciano, Ang Probinsyano nina Gloc 9 at Ebe Dancel, at Ako Si Superman ni Coco.

BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with