^

PSN Showbiz

Maiinit nilang eksena umaapaw, Yam nagsalita sa pagiging matinikbsa babae ni Gerald!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maiinit nilang eksena umaapaw, Yam nagsalita sa pagiging matinikbsa babae ni Gerald!
Yam
STAR/ File

Na-challenge si Yam Concepcion sa ginawa niya sa teleseryeng Init Sa Magdamag na pinag-uusapan ngayon sa mga inilalabas na trailer.

So gaano ba kainit ‘yung mga eksenang ipapakita niya rito?

And paano siya naghanda sa  role sa kabila ng health protocols?

“Actually since nag-start ako sa showbiz lahat sexy, ganun ‘yung image ko e. So feeling ko with this teleserye na challenge ako more than just being sexy. Na-test ‘yung vulnerability ko bilang aktor, bilang tao rin.

“So grabe as in na-push ako sa kung anong kaya kong ibigay na emosyon. And na-experience ko rin yung emotions na hindi ko pa nae-experience dati. So sobrang alam mo ‘yun, honestly ngayon ‘yung buong puso ko ay very grateful and hanggang ngayon sobrang hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng napakagandang project katulad nito.”

Hanggang biglang naalala niya ang discoverer niyang Claire dela Fuente na nagdala sa kanya sa Viva noon. Nadiskubre siya nito habang nagbabanda siya.

“And gusto ko lang isingit din na noong nagsisimula ako, ‘yung naka-discover sa akin si tita Claire dela Fuente and alam n’yo naman ‘yung nangyari sa kanya ngayon. Nakakagulat eh sobrang sad ‘yung nangyari. Alam mo noong Sunday tumawag pa siya sa akin. Sabi niya sa akin, ‘Yam napanood ko ‘yung trailer ng Init sa Magdamag.’ Sabi niya congratulations, four minutes lang ‘yun sa telepono, so sabi ko ‘thank you tita Claire,’ hindi ko naman inexpect na bigla na lang siya mawawala.

“You know itong project na ito, para rin sa kanya. Gusto ko lang siyang i-recognize na kung hindi dahil sa kanya, wala ako rito ngayon. So ayun, this is for tita Claire may her soul rest in peace and then ayun with this teleserye also sobrang nakaka-proud kasi hindi ko rin inimagine sa wildest dreams ko na makakatanggap ako ng ganitong klaseng role. Hindi lang siya dahil sobrang init or nagpa-sexy ako or what. It’s deeper than that. And looking back, syempre ngayon ECQ na naman tayo, syempre mag-isa na naman ako dito sa bahay.

“Ang dami kong realizations na hindi ko na appreciate dati ‘yung mga ganito tapos ngayon parang nagsi-sink in na sa akin na ‘wow this is something I should really be grateful for. ”

So paano nila na-shoot ang mga love scene, kissing scenes in spite of the health protocols. Nahirapan ba siyang mag-adjust?

“Of course syempre meron naman kaming swab test bago kami pumasok sa taping namin, and exit swab also and sinunod namin lahat ng health protocols. And because of that alam naman namin negative ‘yung isa’t isa.”

Dagdag niya pa “Hindi lang ito about love scenes and all. Kailangan siya sa kwento eh. Hinihingi siya not just para mapaingay lang ‘yung t­eleserye or what, pero kailangan talaga ang sobrang init na love scenes. It’s part of the narrative eh. And of course ‘yung directors namin, si Direk Raymond (Ocampo) and Direk Ian (Lorenos), ‘yung guidance nila saka naprotektahan nila kami.

“We felt very safe. So talagang ok very professional ‘yung nangyari, so ‘yun,” mahabang sagot ni Yam sa ginanap na virtual media launch ng Init Sa Magdamag the other day.

Tumatak ‘yung first two kontrabida characters niya bilang Jade at Dana, so meron ba siya ritong mga mannerism na kailangang bitawan para sa role na ito?

“Oo, grabe napakarami, nahirapan nga ako eh kasi for two years ‘yung pino-portray ko puro parang kontrabida so nadala ko ata sa totoong buhay so ‘yung rolling of the eyes para akong nagmumukhang mataray talaga na nadadala ko kahit dito kay Rita (character niya sa Init...). So sinasabihan naman ako very honest naman ‘yung director namin kapag nakikita na  ‘oh parang ‘di na yan si Rita.”

So nakikita niya ba itong mga meme sa mga passionate love scenes nila?

“Oo naman nakita ko nahilig ako mag social media and all honestly hindi naman ako magsasabi na ‘ay ano ‘yun?’ Nakakatawa lang kasi sabi ng mga netizen, ‘oh Yam mag-iingat ka kay Gerald ha.’ Honestly hindi ko naman kailangan mag-ingat kasi noong nakilala ko si Gerald, maraming hindi nakakaalam syempre nakikita lang nila sa TV. Sinasabi nila na naku ano ‘yan matinik sa babae hindi loyal. Pero alam mo hindi eh, ‘pag katrabaho mo si Gerald he is very professional saka very gentleman hindi niya pinaramdam sa akin na may mali siya or what. Purely work and despite of purely work naparamdam niya sa akin ‘yung emosyon na totoo. I still felt his honesty bilang si Tupe (‘yung character ng aktor).”

Pero aminado ang actress na nagkaroon sila ng ilangan sa umpisa ni Gerald.

“So kinailangan namin 30 minutes with each other to get to know each other, may ganun kami. Kasi nakitaan nila na parang naiilang kami sa isa’t isa. And eventually naging parang natural na lang ‘yung chemistry naming dalawa we got comfortable with each other. Nakuha namin ‘yung trust ng isa’t isa kasi ‘di naman ‘yan biglaan eh. ‘Di naman siya isang araw lang na ‘yung trust so it takes a while for you to trust even your directors, even your co-actors. Since then nakapag-usap kami ng 30 minutes at nakatulong ‘yun sa working relationship naming dalawa,” chika pa ni Yam.

At kung marami silang pang-mature na eksena ni Gerald, ganundin kay JM de Guzman. As in mas mature nga raw ang ginawa nila ni JM. “Nakita ko nga eh may nag-comment na netizen na parang naging Fifty Shades of Hit ata or something. May nabasa ako may pa blindfold kasi sinasabi nila nakikita daw nila yung Fifty Shades of Grey. Sinasabi nila Fifty Shades of Rita and Peterson (character ni JM). So ‘yun mas mainit din ‘yung mga eksena namin ni JM kasi syempre siya yung asawa ko rito. So mas medyo mainit.”

Anyway ang Init Sa Magdamag ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain.

Mapapanood to simula Abril 19 sa TV5 at A2Z.

Maepal na pulitiko umeeksena sa ‘bawal na gamot’, Enzo Pineda umiinom ng gamot na ‘di aprubado ng FDA

Cheap ng isang pulitiko na umeepal para sa gamot na Ivermectin para lang pag-usapan.

Imagine, matapos pangunahan ang pagpapasara sa isang malaking network, ayan siya ngayon, ginagamit ang social media account para kontrahin ang mga sinasabi ng World Health Organization at Department of Health na hindi pa aprubado ang Ivermectin para sa sakit na COVID.

So anong klaseng public official ang ganun?

Tapos nag-aambisyon pa siya sa 2022?

Ewww. ‘Wag padala sa paeklay ng pulitikong ito na sobra ang kaepalan.

So alam na ito. Kaya magpa-rehistro ang mga gustong bumoto sa 2022.

Naging kontrobersiyal din tungkol sa pagre-recommend ng nasabing gamot ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda na anak ni Cong. Eric Pineda ng #1PACMAN.

Sa post kasi nito two days ago : “Proud of my Dad for spearheading the approval of Ivermectin as an affordable drug to fight covid-19. I have friends who recently recovered from the virus who can testify that the drug works and I’m also using it now as a preventive medicine. Yes we are still treading the waters because the virus is constantly evolving. Pero sana po buksan natin ang ating isipan for different alternatives because people are dying not just because of the virus but also from hunger and anxiety. The drug only costs 35 pesos each which you will drink for a few days. Kaysa naman po mag bayad ng thousands o millions of pesos sa hospital. I’m not a scientist or a doctor to prove it...kaya I urge our brilliant doctors and scientists to have a closer look to why it’s working. Stay safe everyone and have a blessed Holy week,” mahabang tweet ni Enzo.

Sinabi din ng Food and Drug Administration na ang distribution unregistered products ay labag sa batas na ang nire-refer ay itong Ivermectin.

So ‘wag sanang pangunahan dahil nakakagulo pa ito sa isip ng mga tao na bothered and confused na rin ang karamihan.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with