^

PSN Showbiz

Eula mabilis nakasundo ang Gold Squad

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Eula mabilis nakasundo ang Gold Squad
Eula
STAR/ File

Masayang-masaya si Eula Valdes dahil nakabilang sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Para sa beteranang aktres ay talagang nae-enjoy niya ang mga oras sa lock-in taping na kasama ang apat na bida. “Surprisingly, kahit mga bata sila masasaya silang kasama. May respeto sa mga nakakatanda at kahit sa mga kaedad nila hindi sila bargas. Very thankful din ako na tini-train sila ng ABS-CBN, ng Star Magic dahil makikita mo ang mga ugali nila, mga mabubuting bata. Hindi katulad ng ibang bata na sila-sila lang ‘yung mag-uusap, ‘yung magkaka-age lang. Nakikihalubilo sila sa amin. ‘Pag nagkukuwentuhan ka­ming mga seniors, nakikinig sila. Parang nakakapulot sila, aware sila na ito ‘yung mga kailangan nilang pagdaanan. Very eager to learn silang lahat,” kuwento ni Eula.

Nakakasundo rin umano ng beteranang aktres sina Andrea, Seth, Francine at Kyle pagdating sa mga musikang hilig na pinakikinggan. “Natutuwa ako na mga old soul  din sila. Kasi mahilig sila sa mga music na kahit ‘yung hindi pa sila pinapanganak. Nakakatuwa silang mga bata, kahit si Andrea natutuwa ako sa kanya kasi tinanong ko siya, ‘Ganyan ba talaga kaliit ‘yung boses mo?’ Masarap silang katrabaho at magagaling sila, mga professional sila magtrabaho,” dagdag pa niya.

Ginagampanan ni Eula sa naturang serye ang karakter ni Deborah na naniniwala sa himala. Ayon sa aktres ay ngayon lamang niya naranasan ito sa isang proyekto. “Merong mga pangyayari na natataon na inaakalala niyang nanggagamot talaga siya. Ganon kalakas ‘yung paniniwala niya na umabot sa point na para sa kanya the end justifies the means. Kahit anong mangyari, feeling niya basta nakaayon at hinahayaan mangyari ng Panginoon ay okay sa kanya dahil ‘yon ay kaloob ng Panginoon. Kaya naging ganon siya,” pagbabahagi ng aktres.

Janine, ‘di natitiis ni Rayver kahit masungit at malungkot

Patuloy na tumataas sa araw-araw ang kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Katulad ng karamihan ay ikinalulungkot ni Janine Gutierrez ang kaganapan sa bansa na dulot ng pandemya. “Sobrang frustrating talaga, araw-araw kasi may bagong balita na kung puwede lang tumakas sa Pilipinas eh. Siyempre mahal mo ‘yung bansa at gusto ko rin namang makita na umunlad tayo. Hindi rin naman na tayo makakaalis dito kahit gustuhin pa natin. So what can you do, ‘di ba? Sobrang frustrating and more than us, siyempre ‘yung iba nating kababayan mas mahirap talaga ang sitwasyon na napakahirap talaga,” pahayag ni Janine.

Para sa aktres ay malaking bagay na mayroon kang palaging nakakausap lalo pa’t pinalawig pa ang enhanced community quarantine ngayon sa Kamaynilaan.

Nagpapasalamat si Janine dahil bukod sa pamilya ay palaging nariyan ang kasintahang si Rayver Cruz. “Parang naisip ko na malaking tulong din ‘yung meron kang palaging kausap na kahit masungit ka or malungkot ka, kakausapin ka pa rin niya. Pandemic kasi kailangan natin talagang umasa at sumandal sa isa’t isa eh. So I’m just grateful that meron akong kasama,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

EULA VALDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with