Kanta ni Shanti Dope na 'Amatz' pinatugtog sa Marvel series; fans gulat
MANILA, Philippines — Nagmistulang parte na ng Marvel Cinematic Universe (MCU) ang isang Filipino hip-hop song matapos ipagtugtog sa isang international series sa ilalim ng Marvel Studios.
Ang kontrobersyal na kanta ng Pinoy rapper na si Shanti Dope — na dating ipinapa-ban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) — ay ginamit sa episode 3 ng "The Falcon and the Winter Soldier" ngayong Biyernes sa streaming service na Disney+.
WATCH: Amatz by Shanti Dope (@ShantiiiDope) is featured as music on this week's #TheFalconAndTheWinterSoldier (E03: "Power Broker" - minor spoilers ahead)!! ???????????? pic.twitter.com/EBRpdrZPoO
— POP!corn with Cholo Sediaren (@POPcornWCholo) April 2, 2021
Umani tuloy ito ng sari-saring reaksyon sa Filipino fans ngayong araw: karamihan, gulat o natutuwa.
"WHAT DAAAAAA!!! They just used shanti dope’s AMATZ on the latest episode of The Falcon & The Winter Soldier. That is pure tagalog! Lmaowow," sabi ng Twitter user na si @PoyyPoii.
"Am I wrong or did I just hear a Tagalog rap song on #TheFalconAndTheWinterSoldier?" wika naman ni @gillboard.
GIRL TELL ME WHY DID I HEAR A SHANTI DOPE SONG PLAYING ON THE NEW TFATWS EPISODE???? ???? #TheFalconAndTheWinterSoldier
— alex (@alexndrjp) April 2, 2021
Anybody watch the latest #TheFalconAndTheWinterSoldier episode??? Is it just me or did they just use a Filipino rap / EDM song??? ????
— Jeys (@JeysCabs) April 2, 2021
Ang ilang netizens naman, nagbiro naman sa tila pag-usbong ng "nasyunalismo" kuno matapos biglang makita sa international series ang isang Tagalog rap song.
Napuno tuloy ng "Pinoy Pride" memes ang feed ng marami ngayong araw.
Pinoys after Amatz by Shanti Dope featured in #TheFalconAndTheWinterSoldier pic.twitter.com/NT9LVQ24HR
— frame rivas (@framerivas23) April 2, 2021
me hearing amatz by shanti dope on #TheFalconAndTheWinterSoldier ep 3 pic.twitter.com/h5YiMiRX9r
— aidan (@gabrielaidan_) April 2, 2021
Matatandaang naging kontrobersiyal ang naturang awitin taong 2019 matapos itong iugnay authorities sa paggamit ng droga dahil sa lirikong "Lakas ng amats ko... sobrang natural, walang halong kemikal."
Inilabas ang kanta sa kalagitnaan ng madugong gera kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumatay na sa libu-libong katao simula nang kanyang panunungkulan noong 2016.
Ano kaya ang magiging reaksyon dito ng PDEA? Abangan.
- Latest