Nanganak na rin si stage actress Rachelle Ann Go-Spies na sa London na nakatira with husband Martin Spies.
First baby ito ng mag-asawa.
“Lukas Judah Spies has arrived! Born on March 26, 2021 :) “Lukas - bringer of light “Judah - praised, let Him be praised #BabySpies2021.”
Pagtugon ng Kapamilya sa pandemya ng COVID-19, nanalo ng Philippine Quill Award
Nanalo ang ABS-CBN ng Philippine Quill Award para sa pagtugon nito sa COVID-19 sa pamamagitan ng paghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng quarantine, pagbigay kaalaman sa publiko tungkol sa pandemya, at pagpalabas ng mga programang may dalang inspirasyon para sa mga manonood.
Mahigit 900,000 na pamilya ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN Foundation Inc. sa loob ng anim na buwan mula noong inilunsad ito noong Marso 2020 kasama ang iba’t ibang partner organizations at mga lokal na pamahalaan.
Patuloy pa rin ang proyekto na ito na tinatawag ngayon na Pilipino Para sa Pilipino. Namulat din ang taumbayan tungkol sa COVID-19 gamit ang TV, radyo, at online sa tulong ng Kapamilya personalities sa Ligtas Pilipinas sa COVID-19 information drive at sa malawakang pagbabalita ng mga mensahe at direktiba ng gobyerno sa publiko tulad ng health protocols. Binalik naman ng ABS-CBN ang mga programang nagbigay-aral, inspirasyon, at entertainment para mapawi ang mga pag-aalala ng mga Pilipino sa digital platforms.
Nagbigay din sila ng libreng access sa 1,000 na mga pelikula sa iWant at naglunsad ng bagong mga palabas online habang tinitiyak ang kapakanan ng Kapamilya stars at empleyado.
Samantala, nanalo rin ng Philippine Quill Award ang KapamilYammer na ginagamit ng kumpanya para sa komunikasyon sa mga empleyado gaya ng mga mahahalagang update at impormasyon lalo na noong panahon ng quarantine.
Pinararangalan ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines taun-taon ang mga mahuhusay na mga programang pang-komunikasayon ng iba’t ibang organisasyon sa bansa sa Philippine Quill Awards.
Dingdong at Bianca, tampok sa Holy Week special ng Magpakailanman
Muling mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).
Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang Ang Kriminal na Binuhay ng Diyos ngayong Maundy Thursday.
Dahil sa patung-patong na problema, mawawalan si Boy Bonus ng pananampalataya sa Diyos sa murang edad. Saksihan kung papaano magbabago ang kanyang buhay at magbabalik ang kanyang paniniwala sa Diyos.
Samantala, bibigyang-buhay naman ni Bianca ang kuwento ng isang dance sport champion na putol ang binti sa episode na Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story.
Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer. Ipakikilala ng technician na nag-aayos ng kanyang prosthetic leg ang Para Dance Sport sa dalaga at dito na magbabago ang kanyang buhay.