^

PSN Showbiz

Jessy, hinahabol si Luis kapag naghuhubad sa kuwarto

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy, hinahabol si Luis kapag naghuhubad sa kuwarto
Jessy at Luis

Sa susunod na buwan ay mag-aapatnapung taong gulang na si Luis Manzano. Sa video blog ng kasintahang si Jessy Mendiola ay inamin ng aktor na gusto na nitong magkaroon ng anak. “Siyempre hindi na naman ako bumabata. Magti-twenty five na ako next year,” pabirong bungad ni Luis.

May mga asawa at anak na ang mga kasabayan o mga kaibigan ni Luis kaya nais na rin nitong magkaroon ng sariling pamilya. “Kumbaga sa buong barkada ko, sabihin natin mga kinse kami, parang 12 to 13 malalaki na nga mga anak actually. ‘Yung daddy ko noong pinanganak ako, I think nasa 28 years old yata. Marami kaming nai-enjoy ni daddy together even at this point. So parang ‘yon din ang habol ko na ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” giit ng aktor.

“Hayaan mo, soon naman na,” makahulugang sagot naman ni Jessy.

Samantala, may isang netizen ang nagtanong sa magkasintahan kung sino ang mas makalat sa kanila sa bahay. “Ako,  makalat ako,” pagtatapat ni Luis. “Siya talaga ‘yung makalat sa bahay. Especially kapag galing siya sa labas, tapos maghuhubad siya ng damit niya. Iyan, lahat, ‘yung pantalon niya, ‘yung t-shirt niya, hinahabol ko siya kapag pumunta siya ng kwarto. So siya talaga ‘yon,” nakangiting kwento ni Jessy.

Michelle, nakatapos ng kolehiyo kasabay ng taping at OJT

Kahit abala bilang isang artista ay napagsabay ni Michelle Vito ang trabaho at ang pag-aaral. Kamakailan ay nakapagtapos na ng kolehiyo ang dalaga. “’Yung mga guesting, madaming times na talagang hindi ko tinanggap or talagang pinili ko ‘yung school talaga. May times talaga na may dala akong notes, dala ko ‘yung laptop ko. Especially ‘yung time na nagte-thesis ako. Kasi whole term mo siya ginagawa talaga and non-stop. Kapag may break, kapag hindi ako nakasalang, gumagawa ako ng mga assignments, mga project, ganyan mga thesis. Kapag kailangan kong makipag-coordinate sa mga groupmates ko about sa mga gagawin,” pagdedetalye ni Michelle.

Ayon sa aktres ay malaki rin ang naitulong ng pagkakaroon ng online class upang makapagtapos ng pag-aaral. Nakakapag-taping si Michelle para sa teleseryeng Bagong Umaga habang nasa on the job trai­ning. “Parang nagtugma-tugma lang din lahat. Kung hindi online class hindi ko magagawa ang OJT, or baka piliin ko ‘yung OJT, hindi ko pipiliin ‘yung Bagong Umaga. Sakto naman, ‘yung napag-OJT-han ko, sobrang bait ng CEO namin. So nagsakto-sakto and nagtugma-tugma ‘yung nangyari sa akin,” paglalahad niya.

Sobrang importansya ang ibinigay ni Michelle sa kanyang edukasyon para na rin sa kanyang pamilya. Mula pagkabata ay hilig na talaga ng aktres ang mag-aral kaya isinasabay niya ito habang nagtatrabaho. “Mas pinili ko pa rin talaga na mag-aral ako kahit na may career because may mga kapatid ako na halos lahat sila ga-graduate. Since I was a kid talaga, super priority ko ang education. I think kapag gano’n talaga ‘yung level of importance sa ‘yo, talagang ilalaban mo, ipu-push mo kahit sobrang hirap,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with