Mag-aartista na rin ang apo ni Rosanna Roces. Si Leone Adriano ay anak ng panganay ng dating sexy actress, si Onyok.
May management team na si Leone, ang Dragon Talent Management.
Twelve years old lang si Leone at nag-aaral sa St. Benilde in Cainta.
Second apo siya ni Rossana.
Separated ang parents niya at halos lumaki si Leone sa kanyang mommy na may shoe business ang pamilya sa Marikina.
May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mommy at daddy.
Cute si Leon at nang chikahin namin sandali sa salon ni Bambbi Fuentes weeks ago, parang serious siyang magkaroon ng career sa showbiz. Nanghingi rin siya ng pointers sa kanyang lola.
Aside from acting, gusto rin niyang maging singer.
Sa ngayon ay sumusubok na siya sa mga audition kasama ang ibang talent ng Dragon Talent Management.