May nai-forward sa amin na kopya ng demand letter ng legal counsel ng Thai actor na si Mario Maurer para kay Freddie Bautista ng Artist Gallery Management na siyang nagma-manage kay Kakai Bautista.
Ang sulat ay pinirmahan ng abogado ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. na siyang nagha-handle ng showbiz career ni Mario.
Ang subject ng sulat ay “Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer.”
Nakasaad sa sulat na nakarating na raw sa kaalaman ng Kwaonhar Nine Nine Co. Ltd. na ginagamit daw ni Kakai ang pangalan ni Mario sa ilang interviews nito.
Ayon sa sulat na iyon para sa Artist Gallery Management ni Freddie; “We have been informed of unauthorized use of Mario Maurer name by several events, and it has come to our attention that your talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is the person who continues to use the name of Mario Maurer to attach to herself without consent nor knowledge. Moreover, not only Mario Maurer name but also make the false statement in related to Mario Maurer’s manager.”
Sa sulat na iyon ay itinatanggi ang mga sinasabi ni Kakai tungkol sa kanila ni Mario. “By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”
Hinihiling daw nila kay Kakai sa nasabing sulat na tigilan na ang paggamit sa pangalan ni Mario. “Cease and Desist and Refrain from any further use of the name of Mario Maurer and his manager, or any reference to him, directly or indirectly, including but not limited to the uses described hereinabove;”
Binibigyan nila ng tatlong araw na sagutin ito ng kampo ni Kakai na susundin nila ang hinihingi ng legal group ng naturang Thai actor.
Kalakip ng sulat na iyon ay may mga ilang kopya ng nakaraang article tungkol sa mga sinasabi ni Kakai kay Mario.
Merong binanggit si Kakai na naga-‘I love you’ raw sila at malaki raw ang nagawa ni Mario para pagaanin ang bigat na pinagdaanan niya nitong pandemic. Gusto nilang itigil na ito ni Kakai dahil hindi naman daw ito totoo.
Gagawa rin daw sila ng legal na hakbang kung patuloy pa rin daw ang paggamit ni Kakai sa pangalan ni Mario. “Should you fail to confirm to us in writing that you have complied and/or will comply with the above demand to cease, desist and refrain under this letter hereof, our talent, Kwaonhar and its staff will have no other alternative but to pursue (without any further notice to you) formal claims against your talent to protect his rights to the broadest extent.”
Kinontak namin si Freddie Bautista, ang manager ni Kakai,para hingan ng pahayag kaugnay dito, pero wala pa raw silang natatanggap na sulat.
Nauna pa pala kami.
Heartful... nakatapos na ng taping
Ang laki nang pasasalamat ng grupo ng drama series na Heartful Café dahil natapos na nila ang second cycle ng kanilang taping na hindi nagkaroon ng problema at safe na safe silang lahat.
Nakakapanlumo kasi ang mga nasasagap naming balita na meron pang nagpa-positive sa set ng ibang tini-tape na drama series kaya ipinatigil ang taping.
Sila ay tuluy-tuloy at nakahanda nang mapanood sa April 5 sa GTV.
Nakatakda pa lang itong panoorin ng bosses ng GMA 7, pero kampante ang buong team ng Heartful Café na magugustuhan nila ito.
Si direk Mark dela Cruz ang nagdirek at inspired daw siya rito dahil nakitaan daw agad ng chemistry sina Julie Anne San Jose at David Licauco. Very cooperative rin ang ibang nasa cast na sina Edgar Allan Guzman at Nikki Co.
Ang laking bagay ding nagkaroon ng special appearance ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto, at ang magka-loveteam na Migo Adecer at Kate Valdez.
Proud sila sa nabuo nilang drama series na feeling nila magugustuhan ito ng Netflix.