^

PSN Showbiz

Mark Anthony, may tsansa na namang makabangon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark Anthony, may tsansa na namang makabangon!
Mark Anthony

Buti naman at balik-acting na si Mark Anthony Fernandez.

Sayang talaga dahil isang mahusay na artista at talagang nabigyan ng magagandang break kaya naman tumatak na ang pangalan sa showbiz.

Ilang beses nang nadadapa si Mark Anthony, pero dahil nga sa isang mahusay na actor, at dahil din sa mabait naman kaya walang sawa pa ring nabibigyan uli ng break.

This time dahil nadagdagan na ang edad, baka naman iba na rin ang maging vision sa buhay.

Sana naman this time, iyon talagang tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging professional, matatag na ang emotion at kayanin na ang pressure.

Lagi namang welcome tuwing bumabalik, sana nga now, talagang diretso na ang path na kanyang tatahakin.

Suwerte siya dahil laging tinutulungang bumangon, laging inaalalayan sa pagtayo. Now is the time na ipakita niya na worth it ang pagtulong sa kanya, na this time, talagang seryoso na siya.

Be the heir of your father Rudy Fernandez’s legacy, a good actor and person. Stay strong and fighting, Mark Anthony.

Derek, napikon sa ‘panty’ ni Erich

Napikon daw si Derek Ramsay sa issue ng naiwan na panty sa kanyang bahay noon. Kumalat na naman ang intriga na iyan between Angelica Panganiban at Erich Gonzales.

Pero alam mo ba na kadalasan ‘yung mga lumalabas na mga sikreto lalo ‘pag ganyan ka-private ay galing mismo doon sa mga tao na involved?

‘Yung ilang mga secret na magtataka ka kung paano nalaman, madalas ang source ay ‘yung mismong ibinabalita mo. Kadalasan, kinukuwento niya iyon sa circle of friends niya, na siyempre ikukuwento rin sa iba, hanggang sa kumalat na.

‘Yung iba, talagang hindi maka-get over, kaya usually hanggang matagal na panahon bitter at hindi humihinto sa pagbibigay ng komento. I-trace mo lang, malalaman mo kung kanino nanggaling.

Malas ng isang lalaki ‘pag nagkaroon siya ng isang relasyon na bitter na bitter ang na­ging partner niya, na kahit pa makakita na ng iba, hindi pa rin titigil sa mga balita tungkol sa iyo.

Hay Derek, sorry na ikaw ang man of the hour na kahit lumang balita lumalabas pa rin. Hindi bale na, happy ka na kay Ellen Adarna at sure, tatawanan niya lang ‘yang issue na iyan.

Hah hah, ang dapat issue kung anong tatak ng panty o kung mamahalin ba? ‘Pag cheap lang, itapon, ‘pag imported gawing souvenir. Joke joke joke.

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with