^

PSN Showbiz

Lumabas na listahan ng mga nominado sa National Artist, fake news

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kahapon, nagtatawanan nga kami dahil ang bumungad sa amin ay isang fake news, na nagmula sa isang illegitimate news source.

Ito iyong sinasabing listahan daw ng joint committee ng CCP at NCCA ng nominees nila bilang National Artist. Pero tayo naman ay hindi kagaya ng mga vlogger na walang res­ponsibilidad sa pinalalabas na balita. Aba eh ilang dekada na ba kami sa ganitong trabaho, hindi kami nakukuryente ng mga istoryang ganyan.

Ang ginawa namin, pinuntahan namin ang CCP at NCCA website, at tama ang duda namin, wala nga silang inilabas na listahan sa mismong page nila.

Kung ‘yan ay totoo, hindi makakaligtas iyan kay Tita Salve, kung hindi man maihabol sa diyaryo, hahabulin iyan online at tiyak, magtatawag sa ­aming lahat para kunin ang reaksiyon ng mga artistang nabanggit sa listahan.

Eh wala. Hinanap din namin ang kuwento mula sa ibang legitimate sour­ces, wala talaga. Noong tanungin namin ang nagpadala sa amin ng istorya, lumalabas na nakita lang pala niya mula sa isang vlogger na hindi niya kilala, hindi niya alam kung tao o hayop, pero naniwala siya.

Sabi nga namin, maraming vlogger. Dapat alamin mo muna kung ang paniniwalaan mo ay may buntot ba o wala. Mahaba ba ang balahibo o hindi. Huwag basta magtitiwala dahil diyan nga nagsisimula ang lahat ng fake news.

Iyong trolls lang naman ang nagsasabing ang fake news ay galing sa lehitimong media, na imposible dahil ang lehitimong media, maaaring managot sa ilalim ng batas kung sila ay magpalabas ng maling balita, eh iyang nasa social media lang ni hindi mo nga alam kung saang lungga mo hahanapin.

Doon nga sa website ng government station, may nakalusot na hashtag na insulto sa presidente, nahuli ba nila kung sino iyong tukmol na gumawa noon? Sino ang mananagot? Hindi ba noon may istorya rin sila tungkol sa DOLE o Department of Labor and Employment, ang inilagay nilang picture ay DOLE na pinya? Sino nanagot.

Kaya kami basta sa internet lang namin nakita, hindi kami naniniwala kung walang kumpirmasyon.

Hindi ba kamakailan lang, may inilabas sa internet na pelikulang may kahalayan, pero kung paniniwalaan mo ang lumabas sa social media, ba eh talo ang Ten Commandments, at maging ang paborito naming Casablanca at Citizen Kane. Pagkatapos na mapanood nila sa internet, hindi ba minumura nila ang director, at ang mga artista at ang mga binayaran nilang nagsulat tungkol sa pelikulang iyon na walang kuwenta?

Huwag magpapaniwala sa internet, sige baka mahawa pa kayo ng COVID sa mga iyan.

James, dinadawit sa mga kontrobersya ng Department of Agriculture

Kawawa naman si James Reid. Sinasabing mula nang gawin daw siyang “food ambassador” ng Department of Agriculture ay bumagsak iyon.

Lalong nagmahal ang presyo ng gulay, ganung doon naman daw sa taniman ay nabubulok lang dahil hindi maibiyahe. Tumaas ang presyo ng baboy dahil sa African swine flu, at iyon namang ini-import ay binababoy pa ang presyo dahil may natuklasan pang tongpats si Senador Lacson (Ping) na ang gumagawa raw ay mga taga-DA.

Hindi naman kasalanan ni James Reid iyon, pero bakit nga ba nagkataon na kung kailan siya ginawang food ambassador ng DA at saka nangyari iyang mga bagay na iyan?

Kawawa naman si James Reid. Matamlay na nga ang career nadawit pa sa kamalasang iyan.

Male starlet na walang kita, discounted ang pandemic tf

May kuwento ang isa naming “insider/friend.”

Noon daw nakaraang linggo, tumawag ang isang male starlet sa kanyang “road ma­nager” at nagtatanong kung wala pa bang nakukuhang trabaho para sa kanya.

Ang sabi raw noon, “kahit na anong trabaho, kahit raket puwede ako, ang tagal ko nang walang kinikita sa inyo,” sabi pa raw ng male starlet.

Kaya pala madalas siyang nakaistambay sa isang upscale mall sa tapat ng isang bagong five-star hotel at naghihintay sa kanyang gay friends at mga cougar na maaaring magkagusto sa kanya at yayain siya sa tapat. Ang tsismis pa roon payag siya sa “discounted pandemic talent fee.”

Grabe naman hindi ba. Kung malapit na nga raw ang curfew payag na siyang sumakay sa kotse ng bading na paikut-ikot lang doon o hihinto sa isang madilim na sulok “at discounted prices.”

FAKE NEWS

NATIONAL ARTIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with