^

PSN Showbiz

Mga taping kinakapos ng cameramen!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga taping kinakapos ng cameramen!
Direk Perci
STAR/ File

Tigil muna sa pagrami ng nahahawa

Lalong natakot ang lahat sa sobrang pagtaas ng COVID cases kaya ang dami na talagang mga naka-lock in na tapings ang hindi na muna tumuloy.

Ang dahilan ng iba ay mas safe kung tumigil na lang muna.

Ang iba naman ay kinakapos na ng cameramen dahil hindi na puwedeng maglagare ng taping. Kailangang magpahinga sila pagkatapos ng isang taping, bago sila isalang sa ibang programa.

Ang ibang shows naman ay talagang kailangan nang i-pack up dahil sa dumarami na ang mga nag-positive sa COVID. Kaya patuloy silang naka-quarantine.

Ang Net 25 ay naglabas ng announcement na suspended daw muna ang mga studio tapings nila mula March 20 hanggang 27.

Bahagi ng statement na inilabas ng Net 25, “Please expect some changes in our programming. Your favorite entertainment shows like Happy Time, Eat’s ­Singing Time and Kesayasaya will feature their best-of-the-best episodes.

“Regular news programs and breaking news will continue to keep you informed and updated with latest developments about the  pandemic.”

Napapag-usapan ngang sayang naman na isang linggo pa lang napapanood si Dingdong Avanzado sa Happy Time, pero magri-replay na agad.

So, may mga ilang episodes pala sa noontime show na iyun na muling mapapanood sina Janno Gibbs at Kitkat?

Pangako… natulungan ng pag-ere sa TV5 ng Kapamilya shows

Ang daming celebrities na hindi muna tumatanggap ng raket o nagpahinga muna at takot pang lumabas dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.

Ang isa ngang umatras na at hindi tumuloy sa huling cycle ng locked-in taping ng Paano ang Pangako ay si Danita Paner na gumaganap bilang Andi at kontrabida sa naturang serye.

Nalungkot si Danita na hindi niya ito matutuloy dahil natatakot siya sa tumataas na COVID cases, at may mga kasama raw siya sa bahay na maaring mahawa kaya nakiusap siya sa production na hindi muna siya tutuloy sa taping nito.

Hindi naman daw siya puwedeng pilitin ng produksyon, at naintindihan naman ito nina direk Perci Intalan, kahit napakahalaga ng character na gina­gampanan ni Danita. “Nung sinabi niya sa aming hindi na siya comfortable to shoot, siyempre nag-panic kami pero hindi na namin siya pinilit,” pakli ni direk Perci nang nakatsikahan namin sa virtual mediacon nila para sa papalit kay Danita na si Adrianna So. “And then, eto na. Tinawagan namin si Adrianna. This was the day before the shoot. Nagulat na lang si Adrianna, ngumiti na lang…tinawanan na lang kami at dere-deretso na siya sa RT-PCR kahit hindi pa niya nakita ‘yung script.

“Hindi niya alam ‘yung character. Hindi ko nga alam kung napanood niya yung show. The next day, she was there, nasa San Pablo na siya nagsu-shoot na. We’re very thankful that she said yes,” patuloy na kuwento sa amin ni direk Perci.

Mabuti at nai-swak naman sa kuwento dahil may malaking transition daw dito si Andi na gagampanan na ngayong ni An­drianna.

“Pero challenge siya and for considering me to take the role, it’s a big deal. So, sineryoso ko po lahat. Sana tama yung preparation ko,” napapangiting pahayag ni Adrianna na nagustuhan naman ng lahat sa masaya niyang character sa Gameboys at binigyan na nga siya ng isa pang BL series na Pearl Next Door.

Hindi naman daw kailangang gayahin ni Adrianna ang acting ni Danita. May sarili rin siyang atake na nagustuhan naman nina direk Perci at direk Eric Quizon.

“More on ginamit ko siya as inspiration kasi medyo malaki ang transition niya ngayon ng character niya  sa book three. So, ginawan ko si Andi ng playlist after ko basahin yung script, para mapabilis ako makapunta kung ano yung nasa script. Sana nag-translate,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, malaki rin pala ang naitulong sa Paano ang Pangako ng pagpasok ng mga primetime series ng Kapamilya channel na Ang Probinsyano at Ang Sa Iyo ay Akin na katatapos lang.

Napaaga ang timeslot nito na tumama ng 7:15 ng gabi pagkatapos ng news sa TV5.

“Ang maganda, nang dumating sila lalong tumaas yung ratings. Nag-work hand in hand, kasi buong bloke siya…nagdikit-dikit. Maganda yung flow. Kasi kagabi nanood ako, after news dere-deretso hanggang Probinsyano, ang ganda ng tawid.

“Nakaka-miss din pala tong may news, tapos nag-soap na sunud-sunod. Ang saya pala siya na buong bloke siya. I think, nagkatulungan.”

Ngayong nasa huling season na ang Paano ang Pangako, abangan ang pagtatapos nito na natama sa April 3, Black Saturday.

TAPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with