^

PSN Showbiz

'Night shift ba ang virus?': Marvin Agustin binanatan reimposed curfew

Philstar.com
'Night shift ba ang virus?': Marvin Agustin binanatan reimposed curfew
Litrato ng aktor na si Marvin Agustin
Mula sa Instagram ni Marvin Agustin

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ng pansamantalang curfews sa Metro Manila laban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), marami ang hindi naitago ang kanilang pagkainis — at hindi exception diyan ang mga nasa showbiz industry.

Simula kasi noong Lunes, bawal na uli sa mga kalsada ng National Capital Region (NCR) ang lahat sa pagitan ng 10 p.m. hanggang 5 a.m., maliban na lang kung essential worker, atbp.

Basahin: Here's a briefer on the uniform Metro Manila curfew

Kung ang sikat na '90s aktor na si Marvin Agustin ang tatanungin, tila wala sa tamang lohika ang nabanggit lalo na't umaga man o gabi, may COVID-19.

"Nalilito ako, may curfew sa gabi para daw makaiwas sa [COVID-19], pero sa umaga ang daming tao sa labas," wika niya sa isang tweet, Lunes.

"ANO BA ANG VIRUS? NIGHTSHIFT?"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

 

Kanina lang nang ianunsyo ng provincial government ng Bulacan na susunod na rin sila sa pagapaptupad ng curfew, na tatakbo naman mula 11 p.m. hanggang 4 a.m. Magpapatuloy ito hanggang ika-17 ng Abril.

Kaugnay na balita: Bulacan also imposes curfew, taps cops and troops for 'necessary assistance'

Reklamo ni Marvin hindi nag-iisa

Sa unang araw ng pagpapatupad ng curfew, umabot sa 926 katao ang inaresto at nasita sa Maynila pa lang dahil sa violations. Libu-libo 'yan sa Metro Manila.

Una nang umapela ang grupong The Passenger Forum na isipin ng Metro Manila government ang mga graveyard o nightshift workers sa gitna ng ipatutupad na curfew, lalo na't ang ilan sa kanila ay hindi kasama sa mga exemptions na una nang itinakda ng gobyerno. Madalas din daw na curfew hours ang oras ng kanilang pagco-commute.

Ganyan din naman ang naging pananaw ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), habang ipinaaalala kung paanong naglakad nang malayo ang mga medical workers at frontliners bago at pagkatapos ng kani-kanilang shift.

Sa huling ulat ng DOH ngayong Miyerkules, umabot na sa 635,698 ang tinatamaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, patay na ang 12,866. 

BULACAN

CORONAVIRUS DISEASE

CURFEW

MARVIN AGUSTIN

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with