Wow naman, parang hindi totoo na 35 years na ang Pilipino Star NGAYON. Ganun na katagal ang unang labas ng tabloid ng PhilStar Media Group? Ganun na rin katagal ang suporta ni Papa Miguel Belmonte sa favorite tabloid nating lahat.
Ang bilis ng panahon ha! Kung nag-alaga tayo ng baby, now 35 na siya? Siguro nga dapat tayong maging thankful sa mga loyal followers ng PSN for staying with us nang ganun katagal. Kung hindi tayo pinagkatiwalaan ng mga reader ng mahabang panahon, sa hirap ng buhay at sa panahong ang interest span ng tao ay maikli lang, hindi siguro tayo magtatagal nang ganito.
Iyong pagiging credible ng mga balita na lumalabas sa diyaryo natin, ang pagiging very fair sa pagkuha ng balita, iyon siguro ang minahal ng ating followers.
Siguro nga, for another 35 more years nandiyan pa rin sila at patuloy tayong binabasa.
Salamat po sa inyo, at promise po namin, patuloy kami na maghahatid ng balita, tunay na balita sa inyo.
Happy anniversary sa ating lahat, 35 years is no joke, forever grateful po sa inyong pagtangkilik.
Kitkat hindi maka-move on sa pagkakatanggal!
Nagtataka ako kung bakit hindi matapus-tapos ang issue tungkol sa pagkakatanggal ni Kitkat sa Net 25 lunchtime program nila ni Anjo Yllana at Janno Gibbs. Wala na akong naririnig na sinasabi ni Janno, pero si Kitkat parang hanggang ngayon hindi pa maka-get over. Meron pa ring mga sinasagot na mga komento, tuloy pa rin ang pagbibigay-opinyon. Hindi ba degrading ang ganun para sa isang nawalan ng trabaho? Dapat ‘pag wala na, wala na, stop na. No amount of alibis o paliwanag will support ang pagkawala mo sa isang bagay. Kahit anong explanation, kahit anong dahilan o paliwanag, ang nangyari, nangyari na. Tanggapin nang maluwag, keber lang, move on ka na. Ipakita mo na marami pang kukuha sa iyo, na sila ang nawalan, hindi ikaw. Be quiet dahil habang nag-iingay ka, lalo kang bumabaon, lalo pang lalaki ang gap. Kung talagang importante ka, hindi ka pakakawalan, ikaw ang pipiliin. Dahil pinakawalan ka, iyon na, ipinakita sa iyo na dispensable ka, babuu, go. Kahit anong attitude mo, ugali mo, kung importante ka, tiyak hindi ka aalisin. Mas lalo ngang masakit tanggapin na ginawa mo ang lahat, naging mabait ka, tapos ok lang alisin ka, ‘di bah? Basta, parang aksidente iyan, kahit sino pa ang may kasalanan, pareho kayong naabala, kaya dapat umiiwas.
Ganyan ang buhay, tanggapin mo ang mga nangyayari sa iyo dahil ikaw lang ang magdadala nito sa sarili mo, walang magagawa ang ibang tao.