Account ni Allan K, hindi pa rin binabalik ng hacker
Hindi ko maintindihan kung bakit pati ang Instagram hina-hack? Nabasa ko na na-hack ang IG ni Allan K kaya shocked ako, pati IG account ninanakaw? Ano iyon? Saan gagamitin? At paano nagagawa? Ganun na ba kadali magnakaw ng technology? At ganun ba katindi ang IG para nakawin?
Kaloka ha, dahil ano pang joy ang puwede mong makuha sa IG ng ibang tao. Iyon pa naman ang parang notebook ni Allan K, ang kanyang IG na lagi niyang ipinapakita sa lahat, hah hah.
Baka naman kasi nandun ang recipe ng Koban Japanese resto kaya ninakaw. Pero sana maayos na dahil na-tense si Allan K sa pagkawala ng IG niya, ibalik n’yo na noh, may libreng pakain sa Koban si Allan K ‘pag ibinalik, joke joke.
Economy or health?
Bongga talaga ang Pilipinas ha. Naloka ako na meron na ring Philippine variant ang COVID-19.
After Brazil, UK, South African variant, now meron na rin tayong isa pa, at mas madali raw makahawa.
Talagang sense of humor na lang ang panlaban natin sa takot at problema, biruan na lang na talagang basta Pinoy, hindi patatalo, gumagaya na rin.
Pero paano pa tayo uusad kung ganyan na sa halip makontrol ay lalo pang dumami ang virus?
Sobra na nga siguro ang dumi sa paligid kaya hindi na rin makayang patayin ang mga virus sa hangin. Naku ha, mas lalo pa tayong hihinto sa pagsulong ‘pag ganyan ang nangyayari, dapat talaga gumawa na nang drastic measure para iyon talaga ang masunod, ekonomiya o health.
‘Yung curfew hindi naman siguro makakatulong dahil sabi nga, ‘pag gabi, wala bang virus? ‘Pag may curfew, hindi rin lalabas ang virus? Isahang solusyon para sa lahat, dare to do something drastic na puwedeng makatulong sa ekonomiya, and at the same time, mabawasan ang pagkalat ng sakit. Hindi na puwede ‘yung urong-sulong tayo, bukas-sarado, dapat tuluy-tuloy, either nakasara or nakabukas. Maging mas matapang na tayo sa pagharap sa danger, hindi puwede na tayo lang ang takot, dapat takot din si COVID-19 sa atin.
Hay naku, hanggang kailan ito? Tapusin na noh, tagal nang hanging ang ending, dapat wakas na ng istorya.
- Latest