Muling magbabalik sa public service digital show na Grateful Tuesdays, hosted by Chemist Pinky Tobiano na ngayon ay nasa Season 3.
This time, magiging co-host niya sina Queen of Soul Jaya and this Generation’s Pop Princess Zephanie.
Dahil sa pandemya at krisis na sumubok sa tibay nating mga Pilipino noong nagdaang taon, consistent sila sa layunin na magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.
Sa huling dalawang season nito, umabot na umano sa mahigit 35,000 na pamilya ang natulungan nila.
Tulad sa mga naunang season nila, itutuloy ng digital public service show ang pamimigay ng laptop at relief operations sa ilang mga piling barangay na naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad.
Kabilang sa mga naging guest nila sina KZ Tandingan, Moira dela Torre, Jay R, Kyle Echarri, Kyla ganundin sina Ruffa Gutierrez, Tim Yap, at Mayor Chavit Singson
Mapapanood ang pagbabalik ng Grateful Tuesdays Season 3 sa March 16, 7:00 PM na sabay ipapalabas sa Cornerstone Entertainment Facebook Page, Chemist Pinky Tobiano’s Facebook page at sa CS Entertainment Kumu Channel.