Staff ng isang serye na nakipagtikiman sa apat, kinaiinggitan ng mga bakla

Nakakaloka ang kuwentong nasagap namin sa nangyaring kahalayan sa lock-in taping ng isang drama series.

Dala na rin siguro ng pagkabagot, kung anu-ano ang nagagawa ng ilang naka-lock in ng ilang linggo.

Kung may mga nagkakainlabang artista, meron ding nagkakatikiman lang, ayaw paawat ng ilang production staff na may kanya-kanya ring drama sa loob ng set.

Sinusunod kasi talaga ang safety protocols na dapat ay mapa-pack up pagkatapos ng 14 to 16 hours na taping. Kaya kung mapa-pack-up ng 10 o 11 ng gabi, hindi pa makakatulog ang ilan kaya ang iba ay lihim na nagkakainuman.

Habang tulog na at nagpapahinga na ang mga artista, may ilang grupo ng production staff na nag-iinuman na siyempre ‘di ipinapaalam sa iba, dahil bawal iyon.

Bongga ang isang babaetang staff na sumali sa inuman ng ilang grupo ng kalalakihan. Nagkalasi­ngan, nagiging mainit na ang usapan hanggang sa umabot na sa tikiman.

Game na game raw si girl na niluhuran ang isang lalaking crew. Bongga at sarap na sarap si crew na noong ipinakita ang litrato ng isang katsikahan ko, aba may kaguwapuhan!

Hindi lang isa, kundi may tatlo pang tumikim dito kay babaeng staff na, ang sabi ng iba ay nagmistulang orgy na raw.

Pero nang magkabukingan at magkaimbestigahan, itinanggi ng dalawang lalaki at hindi raw siya nakipag-sex kundi nagpa-BJ lang daw siya.

Kinabukasan ay ang halay na ng kuwentuhan ng ilang staff at ibang artista dahil sa pangyaya­ring iyon.

Kaagad pinauwi na raw si babaeng staff at wala na kaming alam kung ano ang ginawa pa sa apat na lalaking nakatikiman ng naturang staff.

Gusto raw sabunutan ng mga bakla ang babaeng iyon sa sobrang inggit dahil nagawa niyang pagsabayin ang apat na lalaki sa loob ng isang gabi.

Sharon, pino-promote ang ‘yaya’ ni Gabby

Ang cute at kuwela ang isang post ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi niya ang kuha nila ni Marco Gumabao sa pelikula nilang Revirginized sa litrato nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa First Yaya.

Nasa caption ng IG post na iyon; “And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?! Game ka na ba?! (tatlong smile emoji) @concepciongabby Ako walang kaproble-problema. You na lang ng bansa! (tatlong laugh emoji).”

Ang daming nag-react at natuwa sa post na iyon ng Megastar, pero wala pang nakakasagot kung magkakaroon ba ng chance na magsama sila sa isang magandang project. Pero sa ngayon ay ini-enjoy nilang pa-bagets na ang mga ipina-partner sa kanila.

Ang cute ng CuBao o MaRon tandem nina Sharon at Marco sa Revirginized na mapapanood sa Vivamax, at malapit na ring subukan ang tambalang Gabby at Sanya sa First Yaya na magsisimula na sa March 15 sa GMA Tele­babad.

Ang safe at tipid lang ang sagot ni Gabby sa tanong naming pabata nang pabata na ang napa-partner sa kanya. “Siguro dahil sa Beautederm,” sagot niya dahil gusto niyang i-promote ang mga produktong ini-endorse niya sa naturang beauty products ni Rhea Anicoche-Tan.

Ruru masElan sa katawan

Nabanggit na rin lang ang Beautederm, si Ruru Madrid pala ang isa sa mga bagong brand ambassadors ng naturang produkto.

Tuwang-tuwa si Ms. Rhea dahil okay na okay daw si Ruru na dagdag sa kanyang 68 endorsers.

Naabutan nga namin ang Kapuso actor sa pictorial nito sa Beautederm sa Angeles City, Pampanga at natuwa raw siya dahil gustung-gusto raw niya ang products nito na tiyak magagamit daw niya lahat.

Aminado si Ruru na medyo maarte siya pagda­ting sa pag-aalaga sa katawan, lalo na sa kanyang skin.

“Oo eh,” pakli niya nang tinanong namin kung may pagka-vain siya pagdating sa pag-aalaga sa katawan.

“Talo ko nga po si Mommy sa patagalan sa banyo. Halos isang oras po ako sa banyo kasi talagang maselan po ako eh. May kaartehan po,” napapangiti niyang pahayag.

Inaayos pa kung kailan ang launching ni Ruru na malapit na ring magsimula ang unang episode ng season 2 ng I Can See You na pagbibidahan niya. Kasama ni Ruru dito si Shaira Diaz sa unang episode na On My Way ang pamagat at dinirek ni Mark Reyes.

Show comments