Probinsyano tumaas sa TV5

Coco

Tumaas pala ang rating ng FPJ’s Ang Probinsyano sa TV5.

Yes, mas mataas na ito kesa noong nasa A2Z at Kapamilya Channel.

Ang laki raw ng itinaas.

Samantala, magpapatung-patong ang mga kalbaryong kailangang harapin ni Cardo (Coco Martin) para matakasan ang kamatayan sa maaksyong linggo ng Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood na gabi-gabi sa TV5.

Mula sa pagtatago niya nang matagal na panahon, haharapin na ni Cardo si Arturo (Tirso Cruz III) para hingin ang paglaya nina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) kapalit ng bihag niyang si Clarisse, ang anak ni Arturo.

Dahil alam ni Cardo na tuso ang kanilang katapat, may nakalatag na silang plano para makalabas nang buhay sa bakbakan. Ngunit baka hindi maging sapat ang paghahanda nila sa pagdating ng mga tauhan ni Lily (Lorna Tolentino) para tuluyan nang mailigpit ang buong Task Force Agila.

Dadagdag din sa unos na kailangang pagtagumpayan ni Cardo ay ang nakatakdang paghaharap muli ng Task Force Agila at ng Black Ops sa pangunguna ni Albert (Geoff Eigenmann), na gigil na gigil na mapatay si Cardo para sa ikaaangat ng ranggo niya sa trabaho.

Kaninong buhay ang susunod na malalagay sa alanganin? Kaninong grupo ang magtatagumpay?

Show comments