Nancy, hindi na halos makilala ng mga pinoy

Nancy
STAR/ File

Hindi na pala halos maki­lala ng mga Pinoy sa Canada ang dating actress na si Nancy Castiglione.

Sa sobrang iba raw ng hitsura nito, nang makita raw nila sa isang supermarket doon, kundi pa ito nagsalita ng Tagalog, wala na talagang trace na siya ang naging ex nina Luis Manzano and Paolo Contis.

Sinasabing nagpagalaw ng mukha si Nancy noon pa man.

Maaalalang isa siya sa pinaka-pretty sa showbiz nang mag-umpisa.

Anyway, sa Instagram account ni Nancy, may photos siyang kakaiba pero ang latest post niya naman ay maganda siya, unless filtered ha.

Isa nga pala ito sa pinag-usapan sa Take It… Per Minute, Me Ganun! episode 91 kahapon.

Nag-start lang ito sa blind item na binuko-buko rin naman ni Nay Lolit Solis na enjoy magbuking ng mga blind item tuwing Martes sa Take It…Per Minute, Me Ganun na first time nga palang napanood ng live kahapon sa YouTube channel ng Pilipino Star Ngayon kaya marami ang natuwa – simultaneous sa Facebook page ng PSN.

May isa pa silang blind item tungkol sa isang young star na diumano’y may amoy.

Though wala sa hitsura ni young star na may kakaiba itong smell na rason daw kung bakit ito iniwan ng kanyang karelasyon. Kailangan daw kasing mag-mask ni karelas­yon dahil nga sa mabantot na amoy ng flower nito.

Hahaha.

Pero hindi nakayang banggitin ni Nay Lolit ang pangalan dahil pinigilan din siya nina Nay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Anyway, sa mga hindi nakapanood  ng live episode kahapon, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON, Latest Chika, Pang Masa and Showbiz NGAYON.

Marami pang throwback revelations si Nay Lolit kung saan siya muntik damputin ng mga pulis sa Germany dahil sa ‘pagnanakaw’ ng tea pot kundi lang siya sinalo ni Gabby Concepcion.

Concerts at movies nina Sarah, Ogie, Ian, Ez Mil, Coco, at Angelica, Janine sa KTX mapapanood

Punung-puno ng bigating online events ang parating sa KTX.PH – mula sa concerts at movie premieres nina Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Ian Veneracion, Ez Mil, Coco Martin, Angelica Panganiban, at marami pang iba.

Una sa listahan ang pinaka-aabangan na digital concert ni Sarah na Tala: The Film Concert ngayong Marso 27. Kahit sold out na ang premium tickets, available pa rin ang regular tickets ng P1,500.

Isa pang dapat panoorin ang collaboration ng OPM royalty and singer-songwriter na si Ogie Alcasid at ni Ian Veneracion na Virtually Yours, KilaboTitos sa darating na Marso 26.

Samantala, magkakaroon din ng virtual concert sa Abril 18 ang viral US-based Filipino rapper EZ Mil na kamakailan ay nagkaroon ng global television debut ng kanyang single na Panalo, sa ASAP.

Nakahilera na rin ang ang premiere ng Love or Money nina Coco at Angelica nayong Marso 12. Pakaabanagan naman ang Dito At Doon nina Janine Gutierrez at JC Santos at ang comedy films na Ayuda Babes at Soul Sistahs.

Isang reunion vitual show naman ang handog ‘90s OPM band na Neocolours sa KTX ngayong taon. Kailangan din abangan ang iba pang special shows tulad ng  Himig Handog 11th Edition, at  Euphoria Reunion

Sa loob ng walong buwan lang, kinikilala na ang KTX.PH bilang nangungunang digital events portal sa bansa dahil na rin sa pagpapalabas nito ng pinakamalalaking virtual events.

Hindi lang sila sa concerts nag-sold out, naging daan din sila ng premiere ng Star Cinema at Black Sheep movies pati na ang ilang 2020 MMFF favorites.

Naging live streaming partner din ang KTX.PH ng South Korea’s The Fact Music Awards 2020 at naging host din ng local and international pageants kagaya ng Miss Universe Philippines 2020 at Miss Earth 2020.

Nakahanap naman ng bagong tahanan ang ABS-CBN Film Restoration para ipapanood sa mga batang henerasyon ang restored at remastered version ng Radio Romance, Tinimbang Ng Langit, Soltero, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, at iba pa.

Bisitahin lamang ang KTX.PH sa mga inaabangan ninyong concerts at shows.

Hindi pa rin kasi bukas ang mga sinehan at concert venues dahil pa rin sa pagdami ng COVID cases kaya talagang kuntento na ang karamihan sa panonood sa online platforms tulad nitong KTX.

Show comments