Dominic, pinayuhang magdahan-dahan sa kanila ni Bea!

Dominic at Bea
STAR/ File

Kung open na open na ang relasyong Gerald Anderson at Julia Barretto, tahimik lang naman si Bea Alonzo. Nakikita naman noon sa posts nila ni Dominic Roque na masaya naman silang dalawa, pero wala silang sinasabi at tahimik lang din.

Kaya, nang makatsikahan namin ang tita ni Dominic na si Beth Tamayo, na close naman sa kanya, tinanong namin ang tungkol sa dalawa at napangiti lang siya.

Sabi naman ni Beth, noong ipinost daw niya ang wedding nila ng husband niyang si Adam Hutchinson, isa raw si Bea sa nag-congratulate sa kanya. “Happy ako for them,” pakli ni Beth.

Kung ano man daw ang merong relasyon kina Bea at ng pamangkin niyang si Dominic, masaya na raw siya dahil nakikita naman daw niyang masaya silang dalawa. Hayaan na lang daw kung tahimik lang sila kahit nakikita namang magkasama silang lumalabas. “For me, that’s the mature way to handle it,” sabi pa ni Beth.

“Kumbaga, I think they’re very confident and happy sa wherever their relationship… kung saan man sila ngayon.

“If you’re not admitting anything, you’re not also denying anything. Kung nakita kayong magkasama, eh ‘di kayo magkasama. Kung magkahiwalay ang picture ‘nyo sa Amanpulo, eh ‘di magkahiwalay picture n’yo,” deretso niyang pahayag.

Pero lagi raw niyang pinapayuhan si Dominic na mag-ingat na lang at siyempre naman lahat masaya para sa kanila. Tiyak na nandiyan ang ilang mga taong may masabi lang. “Alam mo ‘yun… because Bea is the biggest star. Sabi ko sa kanya baka later on you will get a backlash from people saying that nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Bea or whatever. Yung... you don’t have your own identity and just like riding sa career niya something like that. It’s hard. You might get feedback from other people na hindi maganda, deadmahin mo na lang. You know naman what to do and kung saan kayo masaya,” lagi umanong ipinapayo ni Beth kay Dominic.

Dapat nga ay kasali si Dominic sa aming tsikahan sa PEP Troika pero hindi siya nakapasok sa aming online tsikahan. Ang kapatid ng aktor na si Mark ang nakabati sa Tita Beth nila at sa bagong uncle nilang si Adam Hutchinson.

Maine at Arjo, tanggap sa sitcom

Nakakadagdag sa kilig ang magaling na pag-arte nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa birthday episode ng Daddy’s Gurl noong nakaraang Sabado, March 6. Hindi naman kaseryo-seryoso ang mga eksena dahil sitcom naman iyon, pero nakakaaliw tingnan ang dalawa lalo na’t alam naman ng lahat ang kanilang relasyon. Kaya hindi maiwasang kiligin na ikinatuwa naman ng fans, lalo na ang loyal supporters ni Maine.

Kaya nang gabing iyon ay nag-trending ang #DADDYSGURLBdayNiStacy. Tuwang-tuwa ang fans at nakikita namang tanggap nila si Arjo. Na-maintain din nito ang mataas na rating na 10.2 percent ayon sa AGB Nielsen.

Samantala, umepek sa mga manonood ang kuwe­lang kuwento ng komedyanteng si Petite kaya ang taas ng rating nito noong ipinalabas sa Magpakailanman noong nakaraang Sabado.

Pilar, may payo kay PRRD

Habang mainit na sinusubaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, naghahanda naman sa promo ngayon ang ipapalit na drama series, ang First Yaya na pagbibidahan ni Sanya Lopez kasama si Gabby Concepcion na mag-uumpisa na sa March 15.

Isa sa masayang nakatsikahan namin sa virtual mediacon nito noong nakaraang Lunes, ay si Pilar Pilapil na gumaganap na ina ni Gabby na presidente ng bansa ang role. Hindi naman daw nababago sa mga nagawa niyang kontrabida roles, pero ang kaibahan nito ay gustong kontrolin ang anak na may pinakamataas na katungkulan sa bansa.

Sa aming tsikahan sa magaling na aktres, tinanong namin siya kung halimbawang siya ang ina ng pangulo natin ngayong si Pres. Rodrigo Duterte, ano ang maipapayo nito sa ating pangulo. “The advice that I can give, is probably to be more careful in addressing the public. Knowing that we are a people of different ages and different ways of thinking. Be more careful in addressing the public, and at the same time, to be aware of the people around him. The people around him are a people who can we really trust and the country can trust,” pahayag ni Madam Pilar.

Na-enjoy ng veteran actress ang lock-in taping niya dito sa First Yaya dahil kontrolado na ang oras at ang saya raw ng bonding niya sa kanyang co-stars.

“Okay naman. Kasama rin ako sa barkada nila. “Sometimes I get to be a counselor. Sometimes, parang nagpapatawa din ako sa kanila, comedian din ako. I get along with them very very well. I love them. They’re nice group,” pakli ni Pilar.

Natutuwa nga raw siyang nakiki-join sa mga bagets na nag-i-enjoy din sa pagti-TikTok.

“Sumasama ako sa TikTok, pero sabi ko sa kanila huwag n’yong ipalabas,” natatawa niyang sabi sa amin.

Show comments