Nakaka-excite naman na malapit nang ipalabas ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Encounter na pinagbidahan nina Park Bo-gum ang Song Hye-Kyo.
Ito ‘yung first project ng ex-wife ni Song Joong-ki pagkatapos ang controversial nilang hiwalayan. Kaya talagang ang daming nag-abang nito hindi lang sa Korea, kundi maging dito sa Pilipinas.
Nakuha ng Viva Entertainment ang rights nito sa local adaptation at ngayon nga ay for airing na. Gaganap na Park Bo-gum si Diego Loyzaga at si Song Hye-kyo si Cristine Reyes na dinirek ni Jeffrey Jeturian.
Kung walang pandemic, sinabi ni Direk Jeffrey na sa Cuba sana sila magsu-shooting kung saan nga kinunan ang ibang mga eksena ng original version ng K-drama.
Mag-uumpisang mapanood ang local adaptation sa March 20 - Cristine plays the role of Selene, CEO of Hotel d’ Trevin, na anak ng prominent politician na napilitang pakasalan ang anak ng isang business tycoon pero hindi nagtagal ay nag-divorce sila.
Gagampanan naman ni Diego ang role ni Gino, a young and free-spirited random stranger, who on a chance encounter falls in love with Selena.
Since hindi sila nakapag-travel abroad, naging backdrops sa local adaptation ang Ilocos and Subic
Kumusta naman ang kilig nina Cristine and Diego?
Ayon kay Direk Jeffrey, nagulat sila nang pinapanood nila ang rushes na ang lakas ng kilig kahit first time na nagkatrabaho sa isa’t isa.
Umamin din si Cristine na hindi siya nag-maldita rito kay Diego. “Kasi sa iba, I’m very maldita,” pag-amin na Cristine na pinatotohanan nga ni Direk Jeffrey.
“Totoo, ibang-iba na siya rito. I worked before with her nung maldita pa siya, kaya when I was told siyang artista ko rito, sabi ko, naku, mamomroblema yata ako. But I was surprised kasi she’s more mature now, more professional and more considerate of her co-workers.”
So anong naging rason at nag-mellow siya, tanong sa actress sa ginanap na virtual media conference kahapon?
“Siguro you just grow as a person, you have to learn how to be better and don’t just get stuck there. When it’s not good, why will you stay there? So it’s a progress for me that i’m working on. Also, when I had my daughter, Amara, then I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change.”
Pareho rin nilang napanood ang Encounter at pakiramdam ni Cristine, matindi ang pressure para magandahan ang manonood sa kanila.
Eere ito every Saturday at 8 p.m. on TV5. Catch-up episodes will also air every Sunday, 9 p.m. starting March 21 on Sari Sari Cignal TV CH. 3 and SatLite CH. 30. Encounter can also be watched Live and On-demand via Cignal Play App.