Samantala, isa si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman and CEO Liza Diño-Seguerra sa mga taong masaya para kay Julia ngayong inamin na sa wakas ni Gerald ang itinatago nilang relasyon.
Iilan lamang ang nakakaalam na close sina Chair Liza at Julia.
Nagkasama ang dalawa nu’ng bagets-bagets pa ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa teleseryeng Mirabella ng ABS-CBN.
Kaya naman sa eksklusibong panayam ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sinabi ni Chair Liza na, “I’m happy for her (Julia). I love Julia, she deserves a guy who will really, really love her truly kasi napakabait ng batang ’yan.”
Super ate nga raw ang turing sa kanya ni Julia at nu’ng panahong tinitira ito dahil sa paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo, nag-reach out daw si Chair Liza sa batang aktres at sinabing, “I’m just here, ’wag kang makinig sa mga sinasabi ng iba.”
Bukod sa Julia-Gerald issue, natanong din ang pinuno ng FDCP tungkol sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa GCQ at MGCQ areas nu’ng March 5 na by the way ay hindi natuloy dahil nagkaroon ng major increase ang bilang ng mga nag-positive sa COVID-19.
Sabi niya, nasa cinema owners ang desisyon kung kailan nila kakayaning magbukas para sa Pinoy moviegoers.
Paliwanag ni Chair Liza, “It’s up to the cinemas pa rin kung mag-o-open na sila. So baka ano, baka magpe-prep pa sila, kasi kakalabas pa lang nu’ng isang araw nu’ng ano, eh, protocols galing sa dti. So baka inaalam pa nila ’yung protocols nila sa binigay ng government.
“If they feel na hindi pa sila handa, gusto muna nilang... kasi kakalabas lang nu’ng memorandum circular, gusto nilang siguraduhin na aakma na ang protocols nila sa binibigay ng gobyerno and du’n lang din nila nakita na, for example, 25 percent pa lang ina-allow sa gcq areas, 50 percent sa mgcq areas.
“So dito sa Metro Manila, hanggang 25 percent capacity pa lang ’yung pwedeng i-allow, tapos siyempre, nakalagay doon, no eating... so, kahit bukas ang mga sinehan, mga snack bar nila, sarado, parang ganu’n. They have to take into account lahat ng nilabas ni dti na restrictions para magbukas,” sagot niya bago pa man binawi ang pagpayag sa pagbubukas ng mga sinehan with 25 percent capacity.
“But generally, until the cinema feels na parang makapag-umpisa lang, masanay lang ang mga tao na ‘ay, bukas na siya,’ you know, it’s an option that they have, para unti-unti tayo uli magkaroon ng patrons.
“And then, of course, dahil nga I’m sure hindi pa naman talaga final, ’yung films din na nakakontrata para magpalabas, ’di ba? They have to synchronize ’yung films, so give it a week or two, para talaga makapag-adjust ’yung mga cinema.”
So far, may ongoing dialogue ang FDCP at ilang cinema owners. Malaki ang kinalaman dito ng isasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Setyembre na, ani Chair Liza, plano nilang gawin sa physical theater.
Sa ngayon, maraming hinaharap na preparasyon ang FDCP para sa naturang event. Marami rin silang ilo-launch na programa lalo pa nga’t balak nilang gawin na streaming platform ang FDCP channel para sa Pinoy films.
“Pero we have to be very specific with the content. Kasi, siyempre, ang dami-rami na ring local streaming platforms. So ’yung ganu’n, lahat ’yon, we hope na ma-launch namin sa September,” pahayag pa niya.
Bukod doon, may activity ding inihahanda ang ahensya kasama ang CCP at NCCA na idaraos sa ni-renovate na Metropolitan Theater (MET), Cinema Filipina para sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso, film workshops, conferences at isang film camp katuwang naman ang Ortigas Cinemas, atbp.
Lahat ng ito, kasama na ang kaka-approve pa lang sa Kongreso na Film Philippines Act, ay naglalayong makatulong sa muling pagbangon ng industriya sa gitna ng Covid-19 pandemic.
“We intend to help in any way we can para lang ’di ma-feel ng industry na ’di natin alam kung saan tayo mag-uumpisa,” diin pa ni Chair Liza.