Beth Tamayo, virtual ang naging kasal

Adam at Beth

Alam mo, Ateng Salve, posible rin palang ikasal na thru online lang, huh!

Iba na talaga ang panahon nga­yon lalo na nga at matindi pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic.

Noong Wednesday (West Coast, USA time), ikinasal na ang dating aktres na si Beth Tamayo kay Adam Hutchinson.

Post ni Beth sa kanyang Facebook account kahapon.

“3.3.2021 (with three heart emojis) Getting married during the pandemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So classy! (with face emoji na nakadila at nakapikit ang isang mata).

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our fa­mily and friends and have the best time ever!”

Kahapon din, naka-chat ko si Beth sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Nag-congratulate ako sa kanya at nagpasalamat naman ang dating aktres.

Nanghingi rin ako ng iba pang details tungkol sa kasal nila. “Actually, not much details. We planned it like a month ago and inquired online,” sabi ni Beth.

“From the start kasi, we only wanted a small wedding (I’ve had a big one before).

“We got our date (3/3) and was asked to just have two witnesses. I asked my sister who’s based in L.A. to be my witness and then Adam’s mom for his part.

“Everything was done online. I called my Mom on another phone, so she can watch.

“Ordered a simple cake and asked a friend to make my flowers. Asked another friend to come see us to take pictures. So kami lang and a friend ang nasa bahay dahil siya ang nag-picture,” sabi ni Beth.

Sa Bay Area ang bahay nila, kaya doon ginawa ang kanilang kasal.

At ang nagkasal daw sa kanila ay, “Our offi­ciant is Adam’s college best friend!”

So, ang best friend ba ni Beth na si Judy Ann Santos ay nakapanood online ng kanilang kasal ni Adam? “Unfortunately not!” chat pa ni Beth.

At least, kahit failed ‘yung first marriage ni Beth, mukhang ang saya-saya naman niya ngayon, so congratulations sa kanya at sa mister niyang si Adam!

So nice!

Gen Z nina Jerome at Jane, eere na sa 5

Ang bongga lang ng TV5 kasi bukas, may new show na naman silang magpa-pilot telecast.

Bukas nga ng 9:00 p.m. ay mapapanood na sa Kapatid network ang Gen Z na line-produced ng Regal Entertainment, Inc. ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde for Cignal Entertainment.

Ang Gen Z ay pangungunahan ng ABS-CBN talents na sina Jerome Ponce at Jane Oineza.

Sabi ni Roselle nang maka-chat ko siya sa Viber tungkol sa Gen Z, “Ang show is about how the Generation Z is and how we can understand this generation para less ang conflict.

“Ang characters ng Gen Z ay napapanahon talaga. Iba’t ibang personalities ang makikita at ang kuwento nila ay kuwento ng Gen Z ngayon,”  tsika pa ng anak ni Mother Lily.

Naku, I will definitely watch Gen Z tomorrow para mas maka-relate ako sa kanila, huh! ‘Yun na!

Show comments