Kris Aquino bumwelta sa 'fake news' na nakabuntis si Joshua

Kuha ng mag-inang sina Joshua (kaliwa) at Kris (kanan) Aquino
Mula sa Instagram account ni Kris Aquino

MANILA, Philippines — Binalikan ni "Queen of all Media" Kris Aquino ang mga nagkakalat ng tsismis na nakabuntis ang anak niyang may kapansanan, bagay na wala raw katotohanan at haka-haka lang.

Kamakailan kasi nang pumutok ang intriga laban kay Joshua Aquino, na kasalukuyang nasa Tarlac at malayo sa mata ng publiko sa Kamaynilaan.

"[Birthday] gift [sa akin] ni kuya Josh? Sorry hindi apo — he gave me cash in a lucky red envelope-an ANGPAO," sagot ni Kris sa mga nag-iintriga, Huwebes.

"Like any parent, initially nung pinakita sa kin yung YT fake news about kuya, nagalit ako."

 

 

Sa kabila nito, ikinatuwa ng aktres ang pagtatanggol sa kanya ng ilan sa mga kasama sa showbiz gaya ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz.

Naloka kasi si Ogie sa mga nagkakalat ng maling balitang ikakasal na si Josh matapos diumano majontis ang nobya, na si Kris pa raw ang gagastos. Sa kabila niyan, hindi naman tinatanggal ni Diaz ang na kayang maging tatay ng panganay ni Kris kung gugustuhin.

"Thank you pare, for all the years that kuya josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics," patuloy ng aktres sa kanyang Instagram post.

"Tanggap namin na malabong mangyari for josh to have a wife & children. pero marunong talaga ang langit... binubuhusan sya ng sobra sobrang pagmamahal ng lahat ng mga pinsan ko at kapitbahay nya ngayon sa Tarlac because his HEART is pure and his affection is REAL."

Kilalang anak ni Kris si Josh sa dating karelasyon at aktor na si Philip Salvador, habang anak naman niya si Bimby sa basketbolistang si James Yap.

Pebrero lang nang unang sabihin ni Kris na magpapakalayo-layo muna sa Metro Manila sina Kris, Bimby at Josh at titira muna sa kanilang probinsya sa Tarlac habang nagpapatuloy ang COVID-19 community quarantine.

Show comments