Tatalikuran na ngayon ni Dionne Monsanto ang show business. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga tagahangang sumubaybay sa kanya sa loob ng ilang taon bilang isang artista. “I want to say thank you so much. This is my last guesting cause I’m retiring. I am already retired, Hello Stranger is actually my last project. So thank you so much,” nakangiting pahayag ni Dionne sa Magandang Buhay.
Nakatakdang magtungo sa Switzerland ang dalaga upang makasama ang fiancé na si Ryan Stalder. Kamakailan ay ipinaalam ni Dionne sa publiko tungkol sa naging engagement nila ng nobyo. “My boyfriend and his family are there,” paglalahad ng dalaga.
Taong 2007 unang nagkakilala sina Dionne at Ryan pero 2018 na nang magsimulang mag-date ang dalawa. “Eleven years of knowing each other. Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow. There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever,” pagbabahagi ng aktres.
Na-enjoy ang Cebu...
Sa Cebu na nakabase si Baron Geisler kasama ang kanyang asawang si Jamie Evangelista at anak na si Talitha Cumi. Lumuluwas na lamang ang aktor sa Maynila kapag mayroong gagawing proyekto. Para kay Baron ay talagang nae-joy niya ang pananatili sa Lungsod ng Cebu. “I love everything about Cebu. The culture is great here. It’s somewhat a little different from Manila. Forty to forty five minutes away, nasa dagat ka na, nasa bundok ka na. The people here are very straightforward. Ibig sabihin, hindi mga plastic ang mga taga-Cebu kaya gustung-gusto ko sila. Dito ako nag-transform to a better human being. I met my wife here also and I also met God here. I discovered how great God is. So that’s why my heart is in Cebu,” paliwanag ni Baron.
Aminado ang aktor na nagkaroon siya ng mental illness noon at malaki ang naitulong sa kanya noong nagkapamilya. “To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy. Somehow, natulungan niya rin ako na mawala ‘yung pagkatililing ko. I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kind of crazy also. And I’m also recovering alcoholic. But I do my job. I do my work to get better. There’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this. I want a family life. The whole package, wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu,” pagtatapat ng aktor.
(Reports from JCC)