John Lloyd, isang buwang naka-lock in sa Bicol!
8 oras mapapanood ang ginagawang pelikula?!
Sa Sorsogon pala nagsu-shooting si John Lloyd Cruz ng comeback movie niya.
May ka-chat akong taga-Sorsogon kahapon at nandun nga raw si Direk Lav Diaz na siyang direktor ng pelikulang Servando Magdamag.
One month daw doon ang group nina Direk Lav and John Lloyd para sa naturang pelikula.
Last week pa raw sa Sorsogon ang actor kasama sina Ronnie Lazaro and Nonie Buencamino at ang buong crew ng Servando… pero pinag-quarantine muna sila ng local government and swab tests. “Nung sure na negative na tsaka nagstart mag-shoot,” banggit pa ng ka-chat ko na nagpadala pa ng pictures. Wala raw siyang alam na leading lady na kasama sa shooting doon dahil hindi na raw niya kilala ang iba pang mga artistang kasama.
‘Praning’ daw kasi ang mga Bicolano sa mga galing sa Manila na understandable dahil marami pa rin ang positive cases sa NCR kaya kailangang mag-quaratine ng grupo ni Direk Lav.
Eh sa Sorsogon pala, 20 lang ang positive sa COVID-19 na outside Sorsogon pa raw galing ang mga ito.
At bawal, kaya wala raw nanonood sa shooting except dun sa harapan mismo ng bahay or tindahan nila na pinagsu-shootingan.
May PNP escort din daw ‘yung production at naka-cordon ang area para nga naman masiguro ang social distancing pa rin, ayon sa ka-chat ko.
Si Ricky Lee ang nagsulat ng Servando Magdamag na malalalim na Tagalog daw ang gagamitin na dialogue.
Officially, ito ang comeback movie ni John Lloyd matapos ang showbiz break nang ma-in love, magkaanak at makipaghiwalay ang actor kay Ellen Adarna na sinasabing bagong girlfriend ni Derek Ramsay.
Nauna nang sinabi ni John Lloyd sa interview ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na napakaganda ng Servando para pakawalan niya : “Imposibleng talikuran ko ang project, napakagandang opportunity. When I read Ricky’s book, napako na ako, ‘di ‘ko na binitawan!”
Nabanggit niya rin sa nasabing interview ni Chair Rachel na marami pa siyang gustong makatrabahong baguhan.
“Masarap magtuluy-tuloy sa trabaho dahil marami pang pagkakataon. I was told about new talents who have lots of potential I don’t want to miss that!.”
Hmmm, ilang oras kaya ang Servando Magdamag?
Eight hours usually ang haba ng mga pelikulang ginagawa ni Direk Lav.
Babawi kaya sa John Lloyd sa pelikulang ito? Sana lang bukas na ang mga sinehan ‘pag ipinalabas na ito.
Samantala, gumawa naman ng ingay sa social media ang advice ng actor kay Joshua Garcia na sinasabi ngang younger version niya. “One day everything will fall into place just the way it should be. So until then, don’t focus too much on the confusion. Just focus on improvement and betterment. Create a great life for yourself Joshua Garcia.”
- Latest