Nag-apologize si Nathalie Hart matapos ma-misinterpret sa social media ang sagot niya nang tanungin kung anong mas feel niya – tibo o bading – na connected sa role niya sa Maalaala Mo Kaya.
Kaya naman agad-agad ay naglabas ng apology si Nathalie sa kanyang social media account kahapon.
“Hello, guys! My close friends and family know how much I love gay people. I’m sorry if I offended the LGBTQ community for the remarks I made which were taken out of context
“I regret my actions and I truly apologize to the people I have offended. I’m truly sorry.”
Actually, walang malice ang statement ng sexy actress nang makausap namin at ilan pang showbiz press.
Tinanong lang siya, hypothetically, between lesbian and gay, anong mas gusto niyang makarelasyon?
“Mahirap siya! Mahirap kapag ang gusto mo talaga, lalaki! You try to think you’re in love with a woman. Ang hirap pala!” sabi ni Nathalie sa role niya.
“Mas madali sa aking makipagtitigan sa lalaki, kahit sinong aktor kesa sa girl!” dagdag pa niya.
Naranasan ba niyang ligawan ng tomboy?
“Hindi eh. Siguro doon pa lang tatapusin ko na! May nagpapapansin!” diin niya.
“Kung tibo, kasi, magkaiba kami. I think I can be in a relation with a bading kesa sa tomboy!” na nabigyan ng ibang interpretation at napagbintangan siyang homophobic.
Artista naman siya kaya puwede siyang gumanap ng kahit anong character.
Opinion and perception lang din naman ‘yun at sabi nga everyone’s entitled to their opinion.
But anyway, good move na rin na nag-sorry siya kesa makipag-argue.