Doris Bigornia, na-open-heart surgery
Dasal ang hiling ng mga kaibigan para sa lady journalist na si Doris Bigornia na naka-schedule sa open-heart surgery.
At kabilang sa mga nagpi-pray para sa isa sa pinaka-controversial TV journalist ay si Ms. Korina Sanchez na dati niyang kasamahan sa ABS-CBN. “One of my oldest friends (Pero Hindi halata kasi fabulous forever) Doris Bigornia. Graduate of many of life’s hard knocks courses and veteran of many of life’s battles and wars. Aren’t we all? But Doris more than most. Ayan. Napakasal na ang inaanak ko. Congrats, Nikki. Lorenzo your brother is also looking so well.
“Single hero-mom, fierce news correspondent, Mutya Ng Masa, crazy girlfriend, Hugot Queen. Doris is legend on-cam and off. She now fights a major battle in-hospital, for her life. Surgery soon. A prayer from all of you for Doris will surely help. For me. In Jesus’ Mighty Name,” post ni Ms. Koring kahapon.
Maging ang Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio ay dasal din ang post para kay Ms. Doris at sinama pa niya ang idol niyang golf legend na si Tiger Woods na naaksidente naman sa kotse sa Amerika at nagkaroon ng serious leg injuries.
Si Alvin Elchico na co-host ni Doris sa programang SRO ang unang nag-break ng malungkot na balita tungkol sa kanyang partner sa radio na dating napapakinggan sa DZMM pero ngayon ay nasa multi-platform kasama na ang DZMM Teleradyo after TV Patrol.
Last February 17 lang nag-55 years old si Ms. Doris.
Last December nang mainit na pag-usapan sina Doris at MMDA Asec Celine Pialago matapos tawaging ‘demonyo’ ng opisyal ng gobyerno na kakandidato umanong senador sa 2022 presidential elections ang ABS-CBN reporter.
- Latest