Five P’s ang pina-practice ni Christine Bersola-Babao kaya wala siyang naging problema sa kanyang mga negosyo kahit ngayon meron pa ring pandemya.
Kilalang businesswoman si Christine kahit noon pero ngayon ay naka-adjust na siya sa tinatawag na ‘digital economy.’
At kasama sa kanyang 5 P’s ang positivity, prayers, patience, perseverance and passion na dinadagdagan pa niya ng pang-six na p, pera.
Ito ang kasama sa mga secret na tsinika nang maging resource person ang misis ni Julius Babao sa webminar ng Pilipino Star NGAYON - Wais Sa Kwarta IV Madiskarteng Entrepreneur.
Dati nang bazzarista si Christine na nag-umpisa sa 7 to 8 food cart mula sa talent fee ng kanyang endorsement na nilagay niya sa ilang mall.
Hanggang nagkaroon nga ng pandemic at kailangan niyang isara ang mga physical kiosk niya sa mall. At doon na pumasok ang mga online franchise business niya. “Kailangan lang may mindset ka na ayaw mong maghirap at ayaw mong maghirap din ‘yun mga tinutulungan mo. Gusto mo rin maging maginhawa ang buhay nila at gusto mong makatulong,” pahayag ni Ms. Christine kung anong motivation at exercise niya para mas maging inspirado pa sa pagnenegosyo ngayon new normal.
Dagdag pa niya, “Ganoon lagi ang mindset mo everyday, paggising in the morning and you pray to the Lord, sinasabi ko na Lord bless us abundantly.
“‘Wag maging selfish sa mga blessings na papasok sa ‘yo then God will also bless your business, ‘yun lang ‘wag maging selfish at marami ka ring magiging blessings,” na aminadong seven years old pa lang ay nagnenegosyo na.
Magaling daw kasing negosyante ang mother niya kaya nga masasabi talaga niyang babypreneur siya na nadala niya hanggang sa kasalukuyan.
Kaya ngayon ayon kay Christine, almost P12,000 ang income ng mga nag-franchise sa kanya.
Sa mga hindi nakapanood sa nasabing webminar, puwede pang maki-Team Reply sa FB ng PSN.