^

PSN Showbiz

Inah at Jake, pinag-uusapan na ang kasal

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Inah at Jake, pinag-uusapan na ang kasal
Inah at Jake

MANILA, Philippines — Inamin ni Inah de Belen na pinag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas ang tungkol sa pagpapakasal.

Ayon kay Inah, nasa tamang edad na raw sila ni Jake para i-consider ang mag-settle down na - 29 years old na si Inah at si Jake ay 28.

“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin.”

Inamin nina Inah at Jake ang kanilang relasyon noong 2017 pagkatapos nilang magtambal sa teleserye na Oh, My Mama.

Tanggap naman ng parents ni Inah na sina John Estrada at Janice de Belen ang relasyon nila. Malamang ay okey lang din sa kanila kung magdesisyon na ang dalawa na magpakasal dahil lagpas na sila sa tamang edad para gawin iyon.

Clint bondad look-alike ni Hailey Baldwin ang pinalit kay Catriona

Nanggulat ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad nang bigla itong magparamdam sa social media pagkatapos ng halos isang taon.

Kung dati ay nakikita ang mga post ni Clint na mukha siyang ermitanyo at may cryptic messages siya, ngayon ay maayos at malinis na ang hitsura niya at may kasama na siyang bagong girlfriend na nagngangalang Mia.

Sey ng ilang netizens, look-alike ng misis ni Justin Bieber na si Hailey Baldwin ang new girlfriend ni Clint. Nag-celebrate din ito ng kaa­rawan kamakailan.

Maraming nakapansin na bumalik ang glow sa mga mata ni Clint dahil kay Mia. Hindi tulad noong naghiwalay sila ni Catriona ay laging may lungkot sa mga mata nito at tila nawala sa kanyang sarili.

Comment ng isang netizen sa post ni Clint with Mia: “Thank God you’re finally happy, and that makes us all, who loves you, very happy!”

Bago dumating si Mia sa buhay ni Clint, na-link ito sa isang yayamaning transwoman sa Thailand at nag-live in pa raw sila. Pero wala namang inamin si Clint tungkol dito except sa matagal na raw niyang kaibigan ang nili-link sa kanyang transwoman.

Gossip girl umaming nagkaroon ng struggle sa substance at depression

Naging open ang Gossip Girl star na si Taylor Momsen na nag-struggle siya with substance abuse and depression sa pagkamatay ng Soundgarden frontman Chris Cornell at ng kanyang producer.

Naging opening act ng Soundgarden ang banda ni Momsen na The Pretty Reckless sa isang tour noong 2017 at bigla na lang nag-suicide si Cornell sa edad na 52.

“Opening for Soundgarden was the highest of highs for me. So to have it end so tragically was crushing. We were there that night in Detroit when Chris died and spoke that evening. To wake up to the news that he had passed was such a shock. I was not equipped to handle that,” sey ni Momsen.

Sumunod na pumanaw ay ang kanyang 47-year old producer and best friend na si Keto Khandwala dahil sa motorcycle accident.

“When I got that phone call that he died, that was the nail in the coffin for me. I went into this hole of just utter depression and substance abuse. I was in a very unhealthy space.”

Niligtas daw si Momsen ng kanyang music.

“I’d given up on life, but then I turned to music. It saved me. I am very lucky that I had my best friends by my side, pushing me in the new direction. Music has always been the constant.”

Nakilala si Taylor Momsen sa pagganap niya bilang si Jenny Humphrey sa hit teen drama na Gossip Girl.

vuukle comment

JAKE VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with