Kaeksena ni Carmina ‘duguan’ sa sampal!
Exciting, challenging and very difficult ang description ni Carmina Villarroel sa pagiging kontrabida niya sa teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat bilang si Dulce.
Selfish na ina si Mina rito na hindi iniisip ang sasabihin ng iba, ang gusto lang ay maging maligaya ang mga anak.
Sabi nga ni Mina, hindi siya worried na kahit bad ang role niya, very smart na ang viewers now at kung magagalit sila sa character niya, well and good dahil ibig sabihin effective ang portrayal.
Na kahit si John Estrada ay ikinagulat na tinanggap ni Carmina ang role sa serye. “Ibang-ibang talaga rito si Carmina. Talagang nagulat ako na tinanggap niya ito,” ayon kay John.
Biro naman ni Tanya Garcia-Lapid, duguan daw siya sa mga eksena nila ni Carmina ‘pag umuuwi siya kasi talagang mang-aapi raw sa serye ang actress.
Though sabi ni Tanya pinag-usapan nila ang mga pisikalan nilang eksena. May mga catfight – sampalan, kaladkaran, duguan, kaya talaga raw exciting ang mga eksena nila ayon pa kay Carmina.
Pero, ibang level naman ng pagiging ‘selfish’ si Carmina sa isa sa kambal nila ni Zoren Legaspi - si Cassy na naka-two cycle na ng lock-in taping.
Gusto sana ng aktres na siya ang plus 1 ng anak sa lock-in taping nito sa First Yaya pero nataon ngang nasa lock-in din siya. “Mahirap, maraming naganap na diskusyunan, maraming mga bilin. Pero talagang gusto niyang mag-artista. She’s very excited with First Yaya.
“Bilang mga magulang naka-suporta lang kami ni Zoren. Ang daming reminders. Saka talagang mabait si Cassy and I trust her kaya hindi rin naman ako nahirapang i-let go,” chika niya pa sa media conference ng Babawiin… tungkol sa pagpayag niyang sumabak sa lock-in ang anak na dalaga.
“‘Yun nga lang sa mga first few weeks, umiiyak talaga ako. Pero iniisip ko na lang na baka nag-aaral siya somewhere. Iniisip ko na may mga magulang nga na nakakaya na nag-aaral sa abroad ang mga anak. Samantala, ito, nandito lang naman siya. Ayoko naman maging selfish. And I want Cassy to experience life, gusto kong ‘yung na-experience niya - what she went through with the lock-in. At nakita ko na she was so happy. Nararamdaman ko talaga siya. Kasi kung nakita kong malungkot siya, pauuwiin ko talaga siya. Pero everytime na nakikita ko sa video call namin, masaya siya. And I’m very proud what she did, na hindi pa tapos,” mahabang kuwento pa ni Mina tungkol sa pagsabak ng anak sa akting na may two cycle pa na taping.
Aminado pa siyang mahirap sa umpisa pero alam niyang masasanay din siya pero hindi raw nawawala ang constant reminders.
Anyway, abangan ang Babawiin Ko Ang Lahat ngayong Pebrero na sa GMA 7.
- Latest