Coco-Angelica movie, milyones na ang views ng trailer!
Sa digital box-office kaya?
Pumalo na sa limang milyong views ang nakuha ng trailer ng bagong pelikula nina Coco Martin at Angelica Panganiban na Love or Money sa Facebook, Twitter, at YouTube sa loob lamang ng tatlong araw habang nabibili na ang tickets nito sa iWantTFC.
Maaari nang kumuha ng early bird ticket hanggang Marso 11 sa halagang P200 para sa iWantTFC users sa Pilipinas at USD3.99 naman sa ibang bansa. Mapapanood na ito worldwide simula Marso 12.
Ngayong Pebrero naman, puwedeng-puwede pa ring mag-movie date kasama ang digital boys’ love movie Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara dahil mapapanood ito hanggang Marso 23 sa halagang P200 lamang o USD3.99 para sa users sa labas ng Pilipinas.
Extended din ang panonood ng brand new Pinoy movies sa iWantTFC dahil pinapalabas pa rin ang Princess DayaReese, Yellow Rose, at piling Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 entries gaya ng Fan Girl buong Pebrero.
Sa Princess DayaReese, ginagampanan nina Edward Barber at Maymay Entrata ang isang reporter at isang pekeng prinsesang magkakahulugan ng loob.
Para naman sa mga gustong humabol sa MMFF 2020, available rin sa iWantTFC ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim ni Vhong Navarro, ang boys’ love drama na The Boy Foretold by the Stars, at fantasy adventure film na Magikland hanggang Pebrero 26 at ang horror film na The Missing hanggang Marso 17 sa halagang P250 o USD4.99 bawat isa.
Eksklusibo ring napapanood ng users sa Pilipinas ang Yellow Rose, na pinagbibidahan ng Broadway stars na sina Eva Noblezada at Lea Salonga tungkol sa isang Pinay teenager na nangangarap na maging singer. Available ito hanggang Marso 9 sa halagang P150.
Para mapanood ang mga ito, mag-register at bumili lang ng tickets sa iwanttfc.com o sa pamamagitan ng Android app. Maaari ring ulit-ulitin ang pelikula sa loob ng 48 oras matapos itong bilhin.
Sana lang din, maglabas sila ng box-office result para may idea rin ang fans kung ano ba talagang pelikula ang kumikita sa digital platform.
Milyun-milyon din kaya since mas mura ang bayad dito?
- Latest