^

PSN Showbiz

Cong. Vilma, dasal ang panawagan sa panibagong pag-aalburoto ng Taal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Cong. Vilma, dasal ang panawagan sa panibagong pag-aalburoto ng Taal
Vilma

Hindi naman masasabing nag-panic, pero nanawagan talaga si Congresswoman Vilma Santos sa kanyang mga kababayan sa Batangas, at sa lahat ng kanyang mga kaibigang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat sa Batangas. Kahit na sabihin ninyong ang talagang nasasakupan lamang naman niya ngayon bilang congresswoman ay ang Lipa, siyam na taon naman siyang naging governor ng buong Batangas. Talagang nabahala siya dahil sa muling pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Sa tagubilin naman ng Phivolcs at ng local na pamahalaan, pinag-evacuate na ang lahat ng nasa volcano island at mga kalapit na lugar. Noon lamang nakaraang taon hinagupit ng Taal ang Batangas at nadamay pa pati ang ilang lugar sa Cavite. At nangyayari naman talagang umuulit sa pagputok ang Taal dahil iyon ay isang napakaaktibong bulkan talaga.

Noong nakaraang taon lang, maraming mga bayan ang natabunan ng abo mula sa bulkan, at umabot ng ilang buwan bago sila natapos sa emergency operations dahil sa Taal na nasundan naman agad ng pandemic, kaya talagang hindi pa nakababangon ang Batangas.

“Noong ako pa ang governor ng Batangas, isa iyan sa hinihiling ko sa Diyos, na sana huwag namang sumabog ang Taal. Sa mga kuwento kasi nila sa akin, grabe talaga ang epekto ‘pag sumasabog ang Taal. Naranasan nga namin iyan January. Noong una medyo madali lang pero nasundan pa ng COVID na mas nagpahirap sa amin nang husto,” sabi ni Ate Vi.

“Kaya ngayon ang panawagan ko naman ay magdasal ang lahat, tulung-tulong tayo para maiwasan na ang malala­king problemang iyan. Noong panahon ko kaya nagkakaroon pa kami ng fluvial procession sa Taal Lake mismo, dala ni Archbishop Arguelles noon ang Blessed Sacrament at iyong Mediatrix, at sa awa naman ng Diyos wala kaming naging problemang ganyan. Kaya naniniwala akong sa pagkakataong ito kailangan pa rin natin ang pagdarasal. Diyos lang talaga ang makakatulong sa atin,” sabi ni Ate Vi.

Lea, naisalba ng BTS

“BTS saved my mental health,” sabi ng singer-aktres na si Lea Salonga. Hindi naman niya ikinakaila noon pa man na naaaliw siya sa pakikinig sa Korean boy band.

Pero totoo ang sinabi ni Lea, maraming mga taong walang diversion dahil mahirap na nga ang buhay na nabuburyong pa rin dahil sa napakahaba nang lockdown. May rekomendasyon na nga maski ang NEDA na para makabalik na tayo sa normal ay luwagan na ang quarantine, at payagan nang lumabas ang mga bata mula limang taon, at ang mga matatanda hanggang 70 taong gulang.

Buti si Lea, naaaliw ng BTS. Eh papaano iyong ibang walang mapaglibangan? Papaano iyong ibang nawalan ng trabaho kaya halos wala na ring makain sa ngayon? Hindi ka naman maaaring umasa sa gobyerno kaya marami talaga ang nagkakaroon ng tililing. Kawawa.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with