^

PSN Showbiz

Mga nagsisimba online, puwede na ring mag-donate

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga nagsisimba online, puwede na ring mag-donate
Online Mass
STAR/ File

Ash Wednesday today. Pero hindi pa puwedeng dumagsa ang karamihan sa simbahan para magpalagay ng abo sa noo.

May pandemic pa rin at 50 percent capacity pa lang ang puwede sa mga simbahan.

Last year ay February 26, ang Ash Wednesday, paumpisa pa lang noon ang pandemic. Pero pagkatapos noon wala na, nag-lockdown na, kaya walang Palm Sunday.

Kaya ini-encourage ng simbahan ang mga nasa bahay na ‘yung palm last 2019 ang gawing abo - sunugin at sprinkle sa may area ng bumbunan na mas tama raw sabi ni Fr. Tito Caluag.

Speaking of Ash Wednesday, nagkaisa ang ABS-CBN at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Caritas Filipinas Foundation, Inc. (CBCP-CFFI) o Caritas Philippines sa paglulunsad ng isang online donation portal sa kanilang layunin na matugunan ang kahirapan sa bansa.

Simula ngayong Ash Wednesday, Pebrero 17, maaari nang magbigay ng donasyon ang mga dumadalo sa Kapamilya Daily Mass na ipinalalabas sa TV at online sa iba’t ibang plataporma ng Kapamilya Network. Mapupunta ang makakalap na pondo sa mga proyekto ng Building Networks of Compassion (BNC) Movement ng Caritas Philippines tulad ng pagbibigay ng pagkain, edukasyon, trabaho, at iba pa sa mga nangangailangan, at kanilang paghahatid ng tulong tuwing may kalamidad.

Maaaring ipadala ang donasyon sa pamamagitan ng bangko o kaya ay GCash at PayMaya.

Ayon kay ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, magkatulad ang Caritas Philippines at ABS-CBN na nakasentro sa serbisyo at may layuning magsilibi  kung kaya’t buo ang suporta ng kumpanya sa Alay Kapwa. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang grupo upang mabigyang solusyon ang problema sa kahirapan at magkaroon ng pagbabago.

Nagpasalamat din ang Caritas Philippines sa suportang ibinibigay ng network sa mga adhikain ng Alay Kapwa, na ilang dekada nang naglilingkod sa mga lubos na nangangailangan sa lipunan. Ani CBCP-CFFI national director Most Rev. Jose Colin Bagaforo, D.D., maaasahan na sila ay mananatiling nakatuon sa paghahatid ng serbisyo, lalo na sa mga dumaranas ng kahirapan. Dagdag ni Most Rev. Fr. Gerardo Alminaza, ang vice chairman ng CBCP-CFFI, mas marami na ang maaabot nilang tao at makakapaghatid ng tulong sa pamamagitan ng ABS-CBN.

Kasama nila sa ginawang virtual ceremony para sa kasunduang ito sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, CBCP-CFFI executive secretary Rev. Fr. Antonio Labiao Jr., ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN chaplain at CBCP-CFFI BNC Movement coordinator Rev. Fr. Tito Caluag, at CBCP-CFFI board member Most Rev. Fr. Honesto Ongtioco.

ASH WEDNESDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with