Jake, intense sa MV ng Usahay

Jake
STAR/ File

Ipinapakita ni Jake Zyrus ang komplikadong emosyon ng isang taong in love sa music video ng  Usahay, ang collab track niya kasama ang Filipino-American musical director na si Troy Laureta na nag-premiere noong Valentine’s Day.

Makikita sa music video na kinunan sa Tagaytay at dinirek ni Sherard Yu ang nakakadala at emos­yonal na pagganap ni Jake sa isang tao na naranasan ang saya at sakit ng pagmamahal.

May special appearance din sa video ang partner ni Jake na si Shyre Aquino na nagustuhan ng mga manonood.

“Sana mag-tuloy-tuloy ‘yung ganitong klaseng MV, superb! Sobrang soulful at galing ni Jake. Malungkot ‘yung MV at song pero na ko-cute an talaga ko kay Jake,” comment ng isang netizen sa YouTube.

Sabi naman ng isa, “I get goosebumps each time I hear Jake’s version of this song. It never fails, it happens every time. Gosh! That voice is full of passion.”

Kasama ang classic Visayan love song sa album na Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1 na co-produced ng ABS-CBN Music International at nagtatampok sa iba pang Pinoy love ballads na in-interpret ng ilan pang world-class talents.

Samantala, ipinalabas ulit ang critically-acclaimed at award-winning documentary na Jake and Charice tungkol sa gender transition at musical journey ng Filipino singer sa NHK General TV sa Japan nitong Pebrero 14.

Ayon sa NHK executive producer na si Shin Yasuda, nakaka-empower ang istorya ni Jake lalo na sa mga nahihirapang mabuhay sa kanilang katotohanan. “By allowing people to witness his vulnerability, Jake has proven that one can survive life’s hardships and that that experience can sometimes enrich music and art at a deeper level.”

“One of the reasons this documentary was so well received was Jake’s personality; his frankness and honesty were conveyed in his interviews, ta­l­king­ to us about his joys and sorrows,” dagdag ng direktor na si Hiroko Ninomiya.

Panoorin ang music video ng Usahay nina Jake at Troy sa ABS-CBN Star Music YouTube channel, at pakinggan ang  Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1 sa iba’t ibang digital music strea­ming platforms.

Show comments