Bugoy, naiyak nang tumuntong uli sa ABS-CBN

Bugoy

Hindi napigilan ni Bugoy Drilon ang mapaluha nang muling makatuntong sa bakuran ng ABS-CBN. Matatandaang nasangkot ang singer noong isang taon sa pagkawala ni Daryl Ong sa Kapamilya network. Mula nang magsara ang ABS-CBN ay nakapag-guest naman si Bugoy sa iba’t ibang programa at TV networks.

Noong Miyerkules ay isa si Bugoy sa mga panauhin para sa Hide and Sing segment ng It’s Showtime. Nanibago ang binata dahil muling nakakanta para sa Madlang Pipol. “Madlang Pipol, I miss you all. I’m so happy to be here and to see all of you. I miss you sobra. I miss you guys, sobra,” emosyonal na pahayag ni Bugoy.

Halos isang taon din ang inabot bago nakatapak muli sa entablado ng Kapa­milya network kaya masayang-masaya ang singer­. “Sa sobrang happy ko, naiyak na ako. Na-miss ko kayo. Kanina pa ako nanginginig, gusto kong mag-lie (sa segment) para mahirapan sila pero ang hirap pala. Ang hirap pala talaga ng Hide and Sing. Salamat po sa inyong lahat. It’s really nice po to be back,” dagdag pa ng singer.

Jed at Juris, makapagbibigay ng pag-asa sa mga tagahanga

Mamayang gabi ay mapapanood na ng mga tagahanga ang Hearts on Fire: Juris and Jed concert nina Juris at Jed Ma­dela. Ito ang pangalawang YouTube Music Night sa pangu­nguna ng YouTube Philippines. Mapapanood sa ilang bahagi ng Southeast Asia ang naturang Valentine’s digital concert nina Juris at Jed na mula sa ABS-CBN Music.

Para kay Jed ay talagang malapit sa kanyang puso ang magiging daloy ng programa at mga musikang ipamamalas para sa mga manonood. “The show will be very personal and the songs will tell stories of our personal experiences that I’m sure will be relatable for everyone. When we came up with the line-up of songs, our goal was to make people realize that everybody goes through these phases of love,” pagbabahagi ni Jed.

Ayon naman kay Juris ay hindi lamang pagmamahal ang maipararamdam nila sa mga manonood kundi makapagbibigay din ng pag-asa ang kanilang concert. “Hopefully with the songs that they’ll hear, they’ll sense through the songs’ stories. Even from what we’ll share to them, that there’s always hope in the end when it comes to love,” pagbabahagi ni Juris.

Magiging espesyal na panauhin nina Juris at Jed sina Markki Stroem, Ice Seguerra at ilan pang Kapamilya singers.

Sina Samm Alvero at Edward Barber naman ang magiging mga host sa naturang virtual event. Mapapanood nang libre ang concert sa pamamagitan ng YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX Philippines at One Music. Reports from JCC

 

Show comments